Saturday 21 July 2012

My V and T Boards

Isang maulang umaga.....

Hayst ang sarap matulog sa mga ganitong pagkakataon.
Bakit?
kase malamig. As in super lamig. Tapos umuulan pa.

Naku, gusto ko lang naman magupdate.

May bago na kong fone.Yeys! Ng hindi bumibili.. Napaka swerte ko talaga, sa lahat ng naging cellphone ko wala akong bibili puros binigay lang sa aking lahat.

Nakapag share na ba ako regarding my thank you board at vision board sa office?

Actually yun yung gusto kong ishare ngayon para kahit papano baka may mainspire ako. I got this idea thru one of the books na I have been reading, the Magic. But eversince, ginagawa ko naman na talaga yung vision board ko. Now, dinagdagan ko lang sya ng Thank You board. Kase sa sobrang daming blessing na dumarating sa akin, small and big blessings nakakalimutan ko ng mag thank you. Eh diba  nga ang sabi sa the Magic,You should learn to be grateful because that is the secret. So kahit maliit man or malaking blessings ang dumating sayo dapat maging thankful ka, kase the more you are thankful and grateful, the more blessing will come to you.

So ano nga ba ang Thank you Board at Vision Board?

Thank You Board.
 Sa thank you board dyan ko nililista yung mga taong talaga naman thankful ako, at the front page of the paper andyan yung pangalan and at the back are five sentences in which I enumerate the reasons why I am thankful for having  them.

Vision Board.
Sa Vision Board naman dyan ko nilalagay yung mga pangarap ko. Yung mga bagay na gusto kong magkaruon ako, or basta kung anong gusto kong mangyari. I remember the first time na gumawa ko ng vision board ko. I listed 5 things in which I really like to have. Before kase sira yung laptop ko, nasira yung hard drive and for me na fresh graduate I really don't have money to replaced it. So ayun, naglagay ako ng vision board ko, nilagay ko yung picture ng HD, LAPTOP ko, and siguro if I am not mistaken after 5 months natupad yung nilagay ko dun sa vision board ko. Same as sa nangyari sa job regularization ko, kase pati yun nilagay ko talaga sa vision board ko.

Hindi naman kailangan mahal ang gamitin mong material to create vision boards and thank you boards. Yung sa akin kase improvised lang. You just have to put it somewhere you can always see it. Everyday. Yung tipong lagi mo syang makikita and it will push you to work more to achieved your vision and to truly feel that you are thankful for all the blessings na dumarating sayo.

Below are images of my vision board and thank you board at the office.

Syempre I am thankful because of my health kase this is the most important thing, If I dont have it then wala ako dito na nangungulit maging blogger.

Ayan.. Pansin nyo may P20 paper bill dyan, the reason is because I am thankful of all the money na nagkaruon ako mula nung bata ako. With it, napalaki ako ng maayos, hindi ako nagutom, nadamitan ako and so on.

On the left side is my thank you board and right naman yung vision board ko.

Ayan..... Mine are so simple. Sabi ko nga improvised lang, it doesn't matter naman. Pero if you would like para maging mas attractive tingnan you can buy card boards and syempre designing materials to decorate your vision board and thank you board.


Just as long as you see it everyday.

I am not telling ofcourse na titingnan mo na lang ang pangarap mo. On the other hand you have to work hard for it as well. Mine was just an idea on how to motivate you to achieved your dreams and to attract more blessings pa na dumating sayo.

Kase diba, once you have a vision you will never lose track.
and...
Once you are grateful you will never find things to complain about.

:) Happy Reading!

Mga Batang Badjao




Kaninang umaga ng papasok ako sa trabaho, may sumakay sa jeep na sinasakyan ko. Mga Batang badjao.
Pamilyar tayo sa kanila, mga batang may dalang enveloped tapos may nakasulat na parang ganito:


-photo coutesy of foobarph-

Syempre isa-isa nilang hihingian yung mga pasahero ng konteng barya.

Hindi ako yung tipo ng taong mahilig magbigay ng limos. Ewan ko especially kapag yung mga nakikita ko pa naman na kaya nilang magtrabaho pero with these badjao children, more than limos, I think they need a shelter, a home. Hindi ko alam kung san sila galing at kung paano at bakit sila napunta dito sa amin.. Basta madalas ko silang makita, madalas silang palakad lakad, ang daming batang kasama, yung ibang baby pa as in months pa lang kahit umuulan kasama pa din sa paglalakad, nakasukbit sila sa likod ng nanay nila na parang alam mo yung naka back pack lang. Grabeh minsan nakakaawa talaga.

Minsan may narinig ako sa balita. Kinukuha daw ng mga taga DSWD yung mga badjao na ito pero parang ayaw daw ng mga badjao na pumunta ng DSWD. Kaya kapag andyan na yung mga taga dswd, ayun, nagsisitakbuhan sila dahil ayaw mahuli.

May I just also quote this report that I had researched:

"Tinungo ng pwersa ng Public Order and Safety Office (POSO) ang lugar kung saan iligal na naninirahan ang ilang pamilya ng Badjao sa lungsod ng Dagupan.

Ang misyon, tuluyang paalisin ang mga natitirang Badjao na perwisyo umano sa lungsod, partikular ang mga nasa dalawang Barangay ng Pogo Chico at Barangay II.

Kasama ang pulisya, kinatawan ng City Social Welfare and Development Office at dalawang barangay na apektado, mahinahong pinakiusapan ang mga natitirang Badjao.

“Kung gusto nilang manataili diyan, ok lang naman kung maglinis sila", ayon kay Barangay II Chairman Roberto Melecio.

Sa tabi ng creek, pakalat-kalat ang gamit ng mga Badjao. Sa huling pagkakataon, wala ng nagawa ang mga Badjao kundi mag-alsabalutan.

Ayon kay Ayton Saman, isang Badjao, naiintindihan naman nila kung bakit sila pinapaalis sa lugar.

“Oo, naiintindihan ko, kaya nagpapasalamat kami sa kanila na binigyan kami ng respeto, hindi tulad ng iba na marami pang nasaktan".

May labing-apat na pamilyang Badjao ang nasa listahan ng City Government at ang grupo ni Ayton Saman ang pinakahuling pinaalis sa lungsod.

“Hindi ko sinisisi ang gobyerno pero hindi pantay. Kung saan ba may squatter, like yung sa bonuan, na pwede kami. Kasi pagdating namin sa ibang lugar, ganundin, papaalisin din kami", dagdag ni Saman.

“Ang Dagupan City is a friendly city. Welcome ang lahat po. Kaya lang po, dapat in order po yun. May tinatawag tayong public order at public safety. Unang-una, yung kalikasan, environment. Pangalawa, kasulugan, actually, number 1 ang kalusugan nila", pagbibigay diin ni POSO Chief Robert Erfe Mejia.

Binigyan rin ang mga pinaalis na Badjao ng pamasahe at truck na hahakot ng kanilang gamit papunta sa terminal ng bus. --Glamorfe L. Calicdan, GMANews".

Kung tutuusin hindi ba dapat may sarili ring lugar ang mga taong ito? Afterall, tao din naman sila.. For me, there should be a place for them, something that they can call home, a decent living, funds para matuto yung mga bata,makapag aral, at hindi madiscriminate. There should be a law to protect them as well, I bet there is law naman siguro pero hindi lang properly naiimplement.

Gaya na lamang ng dalawang batang badjao na sumakay sa jeep na sinasakyan ko kanina, actually, may talent yung bata sa drums, maganda yung beat. Kakaiba. To think na improvised lang din yung tambo-lata na ginamit nya. If matututukan sila ng maigi, kung may magbibigay halaga sa kanila, malamang magiging maganda ang kinabukasan ng mga batang yun.

Hindi lang naman ang mga kaso ng mga batang badjao ang kailangan nating pagtuunan ng pansin, marami pang mga batang lansangan ang dapat nating pagtuunan ng pansin. Marami pa.Hindi naman dapat iasa na lang natin lahat sa GOBYERNO. Dapat it starts with the parent. Responsible parenthood. Ang nakakaasar lang eh dahil kailangan pang ituro sa mga magulang ang pagiging responsible parents na dapat eh kusa na lang nararamdaman ng mga magulang.

Second siguro tayo din, the people surrounding this children. Bukod sa mga parent, we the citizens of the same community should help guiding this children. Esp. ang mga young etchnic groups. Kase diba they are treasures and legends of our country.

Lastly, the Government of course. As I was saying earlier they need to have a place. A haven wherein they will permanently live. A place where there is acceptance, livelihood and proper guidance.


Its easy if well do this hand in hand.

Saturday 14 July 2012

Week Of Sharing [lotsa freebies]

Tuesday:


waaaaahhhhhhhhhh...... 


Puyat.
Puyat.
Puyat. 


Lagi na lang puyat, Tatlong araw na, kung tatanungin mo ako kung bakit eh dahil sa kapapanood ko ng korean novela. 


Heartstring ang title, or pwede naman You've fallen for me. Tagal ko na din hindi nakakapanuod ng mga ganito, last na pinanuod ko is yung Secret Garden, dun din nasira yung laptop ko hehehe... Kaya mula nun, hindi na ko nakapanuod. Anyway, eto na naman ako naaddict sa mga Korean Novelas. I dont know bakit, must be the story plot, simple kase yung mga korean novelas, light lang, nakakatawa tapos it captures the heart of the viewers lalo na pag mga romantic comedy. Kaya madadala ka talaga sa mga stories upto the extent na feeling mo inlove ka na din.  Hindi katulad ng mga pinoy seryes natin, masyadong madrama, ang dami pang patayan, masyadong harrass, pinatay na nga bubuhayin pa ulit, maraming twists na hanggang aabot na ng isang taon yung story kakadugtong. Pero hindi ko naman sinasabing hindi maganda yung mga pinoy seryes natin, napansin ko nga ngayon, medyo lumilevel up na yung mga pinoy seryes natin. (Pambawi lang pero oo totoo na naman)
Ayun,sa korean novela naman, ang ayaw ko lang eh parang halos lahat parehas ng story plot, it's either the girl likes boy/boy likes girl pero magkaaway sila, parang ang theme eh laging the more you hate the more you love, cats and dods tapos ending lovers. Pero ewan ko masarap pa din panuorin kahit na parang pare-pareho lang yung theme ng story. Nakakainlove kase and must be the actors and actress too, ang cute kase nila, tapos magaling pang umarte kaya  siguro mas lalong ginaganahan tayong manuod. 
Going back sa Heartstring na pinapanuod ko, asa episode 10 na ko, parang 5 episodes per day ang ngyayari. eh kase naman magstart ako manuod ng 8:30 (kase by that time tapos na ko kumain, mamalantsa and maghilamos)tapos matatapos ako ng past 1 5 chapters pa lang yun, hihihi.. 
Teka, ang dami kong commercial, kelangan ba sa lahat ng bagay nag eexplain?


Balik tayo ulit, ayun nga, Maganda din kase yung Heartstrings, para syang musical type na romantic comedy. It's a story of  a boy and girl na nagaaral sa isang art school, major nila ang music.Tapos si guy, parang more on rock genre sya. leader ng stupid band,  while the girl naman is on the traditional music.Love hate relationship.Nagkakilala sila tapos si girl hate nya si guy, kase mayabang, arrogant and all that pero in the end nainlove si girl sa knya kaso si guy may gusting iba, yung dance professor, kaso ayaw naman sa kanya nung dance professor kase may gusto syang iba yung kabatch nya na hinire para mag direct ng 100 anniversary ng university ata nila. Ayun, so the guy got rejected by the Dance instructor, tapos madaming twist na in the end, nung gumive up na si Girl kay guy, dun narealized ni guy na gusto nya pala si girl. Tapos syempre di ko alam ang ending dahil hindi ko natatapos, hihihi..Basta panuorin nyo na lang, To help eto yung link: http://www.mysoju.com/korean-drama/heartstrings/


Next stop!


Isa sa pinagkakabalahan ko ngayon ay ang Adobe Lightroom. Ganda kaya, i mean for lighting effects sa mga pictures lightroom is the best. Tapos ang daming presets na pwede na ring idownload, haha last sunday, nagenjoy nga ako,pero syempre dami ko pang dapat matutunan kaya im still learning. Learning process ulit. Eto yung mga sample works ko,




hihi tapos inupload ko na din yung installer ng lightroom dito just incase you want to try, hahaha amazing experience talaga. Ewan ko ba kung bakit enjoy na enjoy akong magedit ng pics, nakakainis lang kase wala akong magandang pic na iiedit, hehe.. Pero ayan so far, maganda ang lightroom experience ko, strongly recommended. 




If you want to try light room as well here is the intaller http://www.4shared.com/file/oLPw8Tuh/Lightroom_3_LS11_win_3_4_1.html
http://www.4shared.com/office/AZhVL1Qb/adobe_lightroom_serial.html

:P




The magic.






Since natapos ko na yung Tuesdays with Morrie, May inuumpisahan na naman akong basahin, It's the magic by Rhonda Byrne. Yup sya yung author ng The Secret. It's a 28 days journey book wherein its says it could transform you and change everything that you need to change in life. The Magic? It being Grateful. Gratitude. Oooopppsss to all those logical thinkers.. please.. try to understand. I know pwede mong sabihin, pathetic, bakit kailangan pa ng book para lang maachieved ang gusto mong maachieved, but I'll tell you, what's the problem by trying? Hihi.. so ayun so far asa Day 5 na ako, and yes, i think its working. Being thankful sa lahat ng blessing na dumarating sayo,it feels like mas madaming dumarating. 
Nakakatuwa lang. 


I hope it help when you want to read the book as well http://lifebooks4all.blogspot.com/2012/06/magic-rhonda-byrne-download-free-pdf.html




Last, Instrumental songs.


Kung last week, mga podcasts ni zig ziglar yung pinapakinggan ko, ngayon naman im  tuned into instrumental music, maganda pala yun nuh,nakakarelax. Pianos, violin, guitar, flute tapos remix and combinations. Narealized ko lang, maganda pala yung mixed up ng violin with sa rock na melody ng guitar. Gothic ang labas. Maganda. Maganda talaga. 




Ayun, dami kong pinagkakaabalahan nuh? Ganun talaga, kelangan ko din kase naman humabol sa panahon kahit sobrang busy sa trabaho. Kelangan kong maghanap ng pagkakabalahan ko din sa mga spare time ko. Boring kase ang mga bagay-bagay kapag trabaho-kain-tulog ka na lang, hindi na nga ako gumigimik at lumalabas masyado, gastos pati kase. 

PS. By now, natapos ko ng panuorin yung heartstrings... I bet you should watch it as well. Continues pa din yung pag follow ko dun sa 28 days Magic. Who knows?


Lastly... I am so thankful this week because I am so blessed!

Saturday 7 July 2012

Ngarag- Ang nakakapagod na Linggo ni Super Anne



Saturday na naman….
 
Anong meron?
 
Daming realizations, kung anu-ano, kung sino-sino at kung alin-alin,
 
Aalis na pala yung kaibigan ko bukas, ni wala man lang akong napadala or nagawa for her. Ano ba naman akong klaseng kaibigan?
Hehehe.. Pero for sure maiintindihan naman nya yun, positive naman akong Oo maiintindihan nya.
 
These past few days dami kong narerealize ulit, minsan gusto kong iuntog ang sarili ko lalo na kapag mga times na parang on float ako.
Go lang go with the flow. Kapag hindi ko mapanindigan ang mga decisions ko at kapag feeling ko sobra na ako ngiisip sa mga bagay bagay.
Oo ako kase yung tipong pabago-bago ng isip. Walang fixed na desisyon, madalas nadadala sa emosyon. Minsan gusto kong maging manhid, yung
tipong di ko kailangan intindihin ang mga bagay bagay, yung tipong uunahin ko din ang sarili ko, kaso mahirap. Ang hirap.
Hindi naman kase ako pinanganak na makasarili, hanggat maari tinitimbang ko ang lahat ng situasyon, may mahihirapan ba kung gagawin ko to, may matutuwa ba kung
mapagbibigyan ko to... ??
 
Anyways...
 
Ayun.. ganun ako magisip.
 
May isang tao pa lang naalala ko this week. Si First love, hahaha tagal na nun, kaya siguro kung magkikita lang kami ng taong yun, pagtatawanan lang namin
Kung ano yung mga pinaggagawa namin dati. First love, Puppy love whatever you call it. Nasan na kaya sya ngayon nuh? Bigla na lang kaseng nawala yung taong yun, last time
Kaming nagkaroon ng communication eh last January. Okie naman eh, kaso narealized ko lang dami namin pagkakaiba.. nagmatured na kami siguro both or sya lang. Ewan ko din..
Asan na kaya sya ngayon? Tsaka bakit ko pa sya naiisip eh dapat naerase na sya, malay ko kung may girlfriend na ba yun or asawa. Ewan ko, Malay ko.
Hindi naman ako umaasa nuh, at wala naman na akong dapat asahan. Dahil in the first place it was 10 years since ata. Pero bakit ganun, he can’t be forgotten. Masaya naman ako. Masaya naman ako sa kung anong love life meron ako ngayon, pero minsan napapaisip pa rin ako, sya kaya? Kumusta na sya?
Haist teka, mabait lang sigurong tao yun, kaya mahirap kalimutan, tska syempre kaibigan mo, madali mo bang makakalimutan ang kaibigan mo. Diba kahit papano, kahit gaano katagal ang panahon, yung mga memories ninyo, mga pinagsamahan andyan lang yan, di yan nawawala.
 
Speaking of kaibigan.
 
Remember my last post, na I felt like I have been betrayed by a friend?
 
Naku, naguusap na kami ngayon, ewan ko. I just dont want her to feel uncomfortable. Ayoko lang din siguro mawala yung friendship so kahit na ganun ang nangyari,
I am willing to give her a second chance. Second chance.
Oo, second chance, pero this time, with a lesson learned. Hindi naman sa hindi ko sya pinagkakatiwalaan. Ayoko na lang na magsabi sa  kanya ng kung anu man dahil
Sabi ko nga natuto na ko. Mahirap na, siguro in time, kapag napatunayan ko ng mapag kakatiwalaan ko sya ulit baka pwede na. It takes time I guess.
 
Tapos ko na pala basahin ang Tuesdays with Morrie, Maganda ang ending, syempre namatay yung professor, para pala sa professor nya yung book at yun pala yung final thesis ni Mitch sa Professor nyang si Morrie. May prof ba kayong ganun? Yung hindi mo lang Professor pero parang barkada, tatay, coach yung ganun, yung pinaka close mo na hindi ka mahihiyang magopen up sa kanya? Ako, sa kasamaang palad wala eh. Pero may Mentor ako nuon, na mahirap ng hagilapin ngayon, Si Kuya Kaloy.
 
 
Ooopppps lampas na ko sa Boundaries ko, sabi ko never name names. Hihihi. Kaso eto naman ako, Pero si Kuya Kaloy talaga, mabait syang tao, tinuturing ko syang Ama, Kuya, Barkada, at Coach sa buhay dati. Inaadmire ko sya kase hindi sya mahirap makitungo sa mga tao. Mr. Congeniality ‘ika nga. Pano ko ba sya nakilala? Naging Boss ko sya sa First Job ko, hindi naman seriosong trabaho, pero kase I have worked as a cashier sa isang water refilling station before. Siguro mga one year din, naku! Kapag kinuwento ko pa sa inyo haist maloloka na kayo. Pero I’ll spare another post for that.
 
So ayun dun ko sya nakilala, kahit madalas, inuuto nya ko para magwalis sa  likod ng water station namin, nagpapa uto naman ako
Kase ang totoo nyan gustong gusto kong marinig ang mga moral lesson nya sa pamilya, sa pakikipag halubilo sa mga tao, sa pagiging kaibigigan.
Tapos ililibre nya ako ng tokneneng, uupo sa harap ng shop at magkwekwentuhan ulit. Trabaho, Pamilya, Pangarap. Minsan sabi nya sa akin, “Ayoko na isang araw
Kapag magkakasaluboong tayo, iiwasan mo ko, dahil sasabihn mo sa aking, Oh ayang tao na yan, isa yan sa nakapag pasakit ng kalooban ko”.
 
Tama nga naman, as much as possible sa lahat ng tao natin nakikilala we want to leave a good impression diba?  Ayaw naman natin na magkakaroon tayo ng samaan ng loob tapos
Kapag makikita mo yung tao na yun iiwasan mo sya at sasabihan ng masamang bagay. Kaya ayun din siguro reason kung bakit binigyan ko ng second chance siiiiiiiiiiiiiiiiii……..
Secret….
 
Ahihihi… baka naman magalit pa yun pag sinabi ko ang panagalan nya. Hayun, next topic, remember din yung moving out drama ko? Hahaha muntikan ng magkatotoo, kung kalian napapayag ko na silang lumipat ako at magboarding house tsaka naman biglang nagbago ang decision ko the last minute. Naiinis tuloy ako, pero hindi rin eh, dahil Masaya ako sa final decision ko. Hindi naman kase matutumbasan ng 500pesos na matitipid ko yung saya na makikita ko ang pamilya ko sa araw araw na uuwi ako, at hindi ko rin maaayos ang problema ko kung patuloy ko lang tatakbuhan ang mga problema. Kaya mas maganda kung haharapin natin ang mga problema, though may mga times na gusto nating mag siesta just to temporarily breathed out, siguro yun yung gusto kong gawin pero iba yung pagkakainterpret ko, haist.
Lesson learned? Huwag gagawa ng decision when your extremely emotional. Mahirap, you might end up with big regrets. As much as possible dapat you keep a cool mind kapag may mga stressful situations. Tapos sa last minute ka magdecide para sure shot na napag isipan mo nga ng maigi ang decisions mo. Hindi naman kita binebrain wash at lam ko din na If you were on my shoes you’ll do the same, sa akin lang naman ay paalala. Reminder, Paalala
 
Malapit ng matapos to’ heheheeh pano ba naman kase sinusulit ko na kase isang Linggo din akong hindi nakapag post dito at isang Linggo ulit akong hindi makakapag post kaya ayun.
 
Nagtitipid na din ako, You won’t believe it. Six months na akong nagwowork pero wala akong naiipon, ni hindi ko nga lam kung san ko dinadala yung mga pera ko, pero keri lang, eh kase naman dahil sa work ko nabayadan ko ang graduation fee ko at napagawa ko yung laptop ko, ano kayang next project ko? Wala naman sa ngayon, pero aiming ako na sana by end of December magka business ako. Kahit simple business lang, iisipin ko pa, kaya dapat magipon talaga ako. Yun ang aim ko lang talaga sa ngayon. Ayun na nga, You wont believed it, pero ang ginawa ko binukod bukod ko na sa different wallets yung mga expenses ko for the whole week. Hehehe Like at this wallet, para yan sa fare ko, the other one sa food expense ko and the other one, yun yung mga extra extra ko lang, lets see if this will work, Pinahiram ko din muna yung budget ko for the next next week syempre para sure na na hindi ko magastos, mahirap na. hihihi
So ayun baka kase need mo din ng tips kung paano makaipon, Ill let you know if it will work out. Hahaha pero so far, yes it works for me.
 
Hmmm.. ayan na muna for now. Next week again.
 
  

Saturday 30 June 2012

Realizations- Saturday Session

Kumusta?

Di ako masyadong okie ngayon, sunod sunod kase problema dumating sa akin, sa family, sa work, sa mga kaibigan, isama na rin natin ang usapang pinansyal. kalusugan at kung anu-ano pa. Favorite kase ako ni Lord, kaya sabi nya sa kin, "Anak, isang bagsakan na lang problema mo, after nito okie kana". hehehe
Syempre hindi ganun yun,pero sana pwedeng ganun nuh. Per kung titingnan parang ang tagalko na rin hindi umiyak, hindi nagkaruon ng problema, siguro nabasa na ni Lord na medyo wala akong masyadong challenges na binibigay sa akin at parati na lang akong naka idle kaya ngayon heto buhos ang ginawa nya.

Sabi nga ng kaibigan ko, ganun daw talaga. hehehe.. nakakamiss din daw kase ang mga times na ganito, hmmmm... kung pwede lang sabihinko sa kanya kung ikaw kaya asa kalagayan ko ngayon, sasabihin mo rin kaya na nakakamiss ang mga times na ganito?

Ang dami kong natutunan ngayong week na'to, at higit sa lahat madami din akong iyak na naiiyak. Ang hirap eh, lalo na pag usapan pampamilya. Siguroikaw din,pag pamilyamo ang pinag uusapan, hindi mo mapipigilangmaging emosyonal, hindi mo mapipigilang hindi masaktan, hindi mo mapipigilan ang iyong sarili upang magsa walang bahala na lang. Sabi ko nga, kantihin na lang ako, as in ako na lang, wag lang ang pamilya ko, kase higit sa lahat sila ang pinakaimportateng bagay para sa akin dito sa mundo. Gaano man kagulo ang pamilya mo, may mga hindi pagkakaunawaan pero sa huli sila pa rin ang tatakbuhan  mo once na kailangan mo ng tulong. Sila pa rin ang tatawagin mo kapag nagkasakit ka at higit sa lahat sila ang una mong gustong pag alayan ng tagumpay na iyong makukuha.

Ganun kahalaga ang pamilya.            


This week, pinaka mahalagang bagay na natutunan ko ay ang pagpapahalaga sa word na tiwala. Para mas clear tiwala sa kaibigan. Hindi ko talaga ineexpect na ang tinuturing kong kaibigan ang syang magdadala sa akin ng kapahamakan. Hiast... Erase... Sobra naman term yun, ganito,minsan kase  akala natin mga true yung kaibigan natin, pinakakatiwalaan natin sila, pahahalagahan natin yung tiwala na yun, panghahawakan, pero masakit kapag nalaman mong kaibigan mo pero hindi ka pala tinuturing na kaibigan dahil sa huli ipapahamak ka din pala.

Betrayal.

Totoo pala si Hudas.

At masakit, dahil sa taong tulad kong madaling magtiwala, nagiging harang yun para sa susunod magiging mahirap akong magtiwala sa mga tao. Tama din pero ang kasabihan, na kung gusto mong malaman kung mapagkakatiwalaan ang tao, kailangan mo munang magtiwala sa kanya. Kapag positive ang result eh di maganda, kung negative naman at least natuto ka.

Tiwala.

Na minsan nabali ko na. Sising-sisi talaga ako. Dahil sa pagkakamali ko, dahil minsan din akong pinagtiwalaan pero binali ko naman. I feel guilty talaga, at nagsisisi ako bakit ko ginawa yun.  Pero ngyari na, everybody deserves second chances naman, kelangan lang itama ang lahat ng pagkakamali. Kelangan lang matuto sa mga pagkakamali, at ang mahalaga maging maingat sa pagpili ng mga kaibigan.

Next week pala, magboboard na ko, hindi po board exam,  boarding house ang tinutukoy ko. For the first time mapapalayo na ko sa pamilya ko. Honestly ayoko naman talaga, pero I have my reasons kung bakit ko ito gagawin. Para ito sa sarili ko, para mapatunayan ko na kaya ko din tumayo sa sarili kong paa. Tsaka isa pa, laki din ng matitipid ko kapag mas malapit yung titirahan ko sa work ko. Ganito pala nuh, kapag nagwowork ka na, every single penny na nagagastos mo it counts. Halos dina ko makabili ng sarili kong gamit, kung kailan nakapagtrabaho na ko, dun pa yung parang halos evryday gipit ako. Isa pa, kahit may sakit ka,papasok ka, kase sayang yung araw, samantalang nung college ako,papasok lang ako kung kelan ko gusto, pero syempre hindi namn ako ganun, regular naman akong pumapasok except lang kung Statistic class ko. Ngayon kahit nilalagnat ako, kahit bumabagyo hala, pasok pa din ako. Kase pinanghihinayanga ko yung araw na hindi papatak ang metro, sayang din kase yun.

Binabasa ko din pala yung Tuesdays with Morrie ni Mitch Albom, nice yung book. Its a story of a student and a professor, yung professor me sakit sya and anytime isa bout to die, but he made his remaining days a meaningful one by becoming interested in people. Tapos yung student nya before kase nafeature yung professor sa TV, pinuntahan nya, tapos ayun, every Tuesdays dumadalaw sya dun sa professor nya and with those sessions ang dami nyang natutunan. Shorcut lang yun sinabi ko syempre, Basahin nyo din yung book,  madami kayong matututunan about life.

Tapos.....

Hindi din natuloy ang plano kong Balungao Adventure, pano naman kase, two straight Fridays na na me bagyo. Syempre iisipin ko din yung safety ng mga kasama ko tsaka malamang nman sa hindi, hindi din sila mageenjoy if ever umuulan ata pupunta kami dun. Maybe next time, kaso baka matalagan pa.


Hindi ko pa malalagyan ng continuation yung poste kong para kay Bob Ong. Wala kaseng oras tsaka sabi ko nga diba daming touble dumating, naalala ko din, meron din pala akong sinusulat na story, hahaha comedy romance ang theme. Kaso hindi ko pa din sya tapos, tsaka asa office yung file ko na yun, hindi ko kase nasend sa email ko, kaya ipopost ko na lang yun next week.

Ayun lang naman gusto kong ishare today,  wala na so far, siguro next week nalang ulit ako makakpag post.

Have a nice week end!

Saturday 23 June 2012

Sa isang Pangarap.

Isang Linggo na akong ngbloblog sa Blogger!
Congratulations sa akin.

Kaso parang wala pa ring nangyayari, parang wala naman nakakabasa ng blog ko. Eh kung tutuusin, eto naman talaga gusto ko pero ewan something leaves me unsatisfied. Itutuloy ko pa ba to or stop na sa kalokohan ko?

Nalala ko tuloy yung inuumpisahankong libro dati, sayang di ko na naipag patuloy, pwede pa kaya?

Repost ko na lang dito at tingnan natin kung anong magagawa ko para maipagpatuloy ko ito. 

from Post: Para kay Bob Ong


Minsan sa buhay ng isang tao dumarating ang pagkakataong napapaisip tayo kung ano nga ba ang misyon natin sa mundong ibabaw. Lahat nilikha ng may dahilan. Lahat biniyayaan ng mga talentong kakailanganin ng sankatuahan. Ang drama naman ng intro ko. Ganito nga ba talaga kalala ang epekto ni Bob Ong sa Akin? Malala! Parang mas malala pa sa HIV Virus! Ay, hindi na pala uso ang HIV, H1N1 na pala.. kaso medyo parang trying hard ata.
Ang totoo nyan fan talga ako ni Bob Ong kaya isinulat ko ang Librong ito. Trying hard version ng Stainless Longanisa. Hehehe ayos lang atleast naglakas loob ako na magpakatrying hard.. ang iba ikinahihiya ang pagkatrying hard pero ako proud ako. Ewan ko din kung bakit pero siguro dahil makapal lang talaga ang mukha ko. Oo makapal nga talaga. Pero infairness naman may mga pagkakaiba kami ni Ka bob..
MGA PAGKAKAIBA NI BOB AT AKO:
1. Hindi ako gumamit ng nagtataeng ballpen pero dati gumamit ako ng ballpen.
2. Wala akong mahanap na printing press o kaya ay publishing house.
3. Mas magaling talaga si ka Bob kesa sa akin.
Iniisip ko nga may future din kaya ako sa pagsusulat? Sa pagiging writer!? Ewan ko din. Nahirapan nga ako kung anung title nga ba ang gagawin ko para sa trying hard na librong ito. “The trying hard Stainless Longanisa?”, “Ang paboritong Libro ni Bob Ong?” (teka mahirap ata ito, nakakahiya naman kay Bob Ong) “ ABNKKSLATNPLAAKKOOO?”, hehehe o kaya  “bakit baliktad magsulat ang mga Pilipino?” Nahirapan akong pumili parang lahat naman maganda sa aking pananaw. Ang alam ko lang sa ngayon inspirado akong magsulat, lang makakapigil, para kay Bob Ong the master!!! Hehehe
Lahat naman pwedeng maging writer. Kahit na sino.. Kahit sa papanong estilo at paraan. May kanya kanya namang ideya at pananaw ang bawat tao.  May kabuluhan man o wala ideya mo pa rin yun hindi pwedeng kondinahin at baliwalain. Kailangang pakinggan at unawain. Gusto kong maging writer. Gusto kong magsulat. Gusto kong sabihin sa lahat ang nasa isip ko. Gusto kong mapakinggan ang aking tinig. May kumontra man o wala.. Para kay Bob Ong..Tma nga si Bob Ong… Hindi gaya ng ibang bansa na mas malawak ang pananaw pagdating sa pagsusulat. Hindi sarado ang isipan. Kahit anong ideya pwede. Pero ditto sa ating bansa , hindi tayo ganun. Pinipili lamang ilabas kung anu yung nakikita nilang tatabo sa market. Yung sureball na kikita sila. Malupit!!!! Pano pa masasakatuparan ang pangarap kong maging writer kung ganito ang sistema sa ating bansa?
Naalala ko tuloy nung bata ako tulad ni Bob gustong gusto ko ding magsulat. Tuwing pinapasulat kami ng Engish teacher ko ng Formal theme lagi akong excited. Gusto kong lagging nakikita ang aking teacher na binabasa ang gawa ko habang napapangiti-ngiti pa. Tuwang tuwa ako nun. Tapos makikita ko 98% ang grade ko at may side comment pa na “well done”, nagpatuloy hanggang highschool, hanggang colloge. Sumama ako sa mga essay writing contest peri sa kasamaang palad, wala hindi naman ako nanalo. Pero Masaya pa din ako para sa akin isa iyon sa mga achievements ko. Isa iyon sa mga gusto kong mangyari. Hindi din ako expert wrioter, hindi ako kumaha ng writing course, Hindi ako grumaduate sa kahit anung popular na unibersidad sa maynila. Isa lang akong istudyante sa isang kolehiyo na may expertise sa IT.  Nangangapa din ako.Nagaalinlangan.. Hindi maalis sa isip ko ang rejection pero naumpisan ko na at kailangan kong tapusin, dahil kung hindi ko gagawin parang wala na din akong ginawa sa mga pangarap ko sa buhay. At hindi naman ata tama na  masira ang lahat ng pangarap ko sa buhay dahil lamang sa pag aalinlangan ko.
Hindi ko mapigilan ang aking sariling maluha habang ginagawa ang aklat na ito. Grabe para akong naka high… Lutang na Lutang ako sa saya!!! Sa wakas na matapos ko ang aklat na ito.  Isa na akong writer at mababasa pa ng idol kong si Bo ang aklat na inspired sa kanya.
Magaling…
Katulad ni Bo, gusto ko ding magbasa basa ng libro.. Siya nag paborito kong writer. Tatlo sa Libro nya ang nabasa ko na.. Ang ABNKKBSANPLAAKKKO Ay nabasa ko ng dalawang beses, ganun din sa Stainless Longanisa at Mc Arthur.. Hangang hanga talaga ako sa kanya. Pero ang mas nakakahiya nito ay dahil sa tatlong libro nay un ni isa wala akong binili, hiniram hiram ko lang pero inimpluwensyahn ko naman yung classmate ko na basahin ang mga libro ni Bob Ong. Sa haba ng pilitan, tanungan kung bibilihin nya ba o hindi, sa haba ng diskusyon naming dalawa sa wakas nakumbinsi ko din.. ung isang libro naman ni Bob Ong hiniram ko lang sa school library namin. Bumibili din ako ng libro, kadalasan sa Bookworld mura kase ang mga libro dun. Halagang P50 lang binibili ko. Inspirational books, Novels, Love Stories… Siguro mga 7 libro na ang nabili ko ung iba naming librong nasa akin hiniram ko lang na hanggang ngayon di ko pa naibabalik. Sabi ng iba boring daw magbasa ng libro.. Yung iba naman inaantok daw kapag nagbabasa.. Pero para sa kin exciting ang magbasa.
M as nagiging malawak ang pananaw mo sa buhay. Matutuwa ka, maiiyak… Magagalit…  To be continued….

Ituloy ko ata to kaso trabaho na naman, mahirap pa naman ang trabaho ko ngayon, madaming hassle kase madaming ginagwa, pagisipan ko lang.Tingnan natin... 

Every body Hurts



How many times do we need to hurt and be hurt?

Ayan ang tanong ko sa sarili ko ng paulit-paulit.
Paulit-ulit.
When we love, we hurt.
When we fail, we hurt.
Lahat ng bagay minsan kelangan me kalakip na pain.
Minsan naiisip ko, Hindi ba pwedeng hindi ka na lang masaktan?
Hindi ba pwedeng wala na lang nanakit?
Hindi ba pwedeng everybody happy na lang?

Sorry sa post ko na to, super Nega. Though I know naman na there’s a reason for every pain we take. Halimbawa na lang, ang pagsakay sa bisekleta, para matuto, kailangan mong matumba, kailangan mong masaktan, kailangan mong masugatan. Kailangan mong pagdaanan ang lahat ng bagay na to para sa huli ikaw ay matuto.

Sa love, hindi naman dapat laging perfect, laging happy ending, na dapat walang umiyak, na dapat walang nasasaktan, kase hindi mo malalaman na nagmamahal ka ng totoo hangga’t di mo nararanasang magbigay at magmahal kahit patuloy at pauilt ulit kang nasasaktan.

Sa buhay, hindi ba’t madalas sa kalimitan natututo tayo through our painful experiences?
Hindi ba?
Hindi ba kapag nasaktan ka ng sobra, tumatatak yan sa isipan mo, nag-iiwan ng scar na patuloy na magpapaalala sayo ng sakit na pinagdaanan mo.
Lessons learned.
Through hurting we learn how to fight. Kapag sobra ka ng nasaktan, pag feeling mo super na down ka na, pag feeling mo sobra ka na naapi, diba dun ka natututong lumaban? Pansinin nyo, yung hayop, aso, ahas, pusa, name it all, hindi ba’t hindi sila narereact unless they are hurt? Kahit makakita ka pa ng ahas dyan once na di mo sya ginalaw at di mo sya pinansin, sya pa ang iiwas sayo, pero subukan mong hampasin yang ahas, apakan, see how will they react. It takes pain for us to learn and understand the word “fighting”.

It is through hurting as well when we learn that no man is an island. Kailangan natin ng kaibigan. Kailangan natin ng makikinig. Kailangan natin ng kasama dahil hindi mo naman kailangan maging magisa. Mas masarap yung may tao na nakikinig sayo, nakikiiyak, whether your family, your friends, boyfriend mo man yan o asawa. Sabi nga nila Two is better than one. Kung sa lahat ng bagay ikaw at yung partner ay may hatian, dapat sa sakit na pagdaraanan ng sinuman sa inyo, may parte pa din ang isa. Give and Take.

And most of all through hurting, we learn to trust with the Lord. Has there been a point in you life na sobra ka ng nasaktan at wala ka ng magawa? Yung tipong hirap na hirap ka na at gusto mo ng sumuko? And your last resource is God, kase alam mong ginawa mo na ang part mo, and you just surrender to him. Alam mong kailangan mo ng mag give up at ipaubaya sa kanya  ang lahat dahil in the end alam mong sya na ang magtatake over.Sabi ni lord “Pahinga ka na anak, let me take over”.

Therefore should I say that pain is constant?

Kase diba, even god endured pain too, physically, mentally, spiritually and emotionally.
Siya nga who is powerful amongst us all hindi nakaligtas sa pain diba? Tayo pa?

But then, after the pain, there’s alight, parang sun after rain, there are lessons learned. You become wiser; you become much stronger and better person.

Pain is constant.

Pain is essential.
Like air so we live, like water which frees us from our thirsts. Pain is sometimes a good teacher which teaches us even without going to school, without paying for high tuition fees.
Minsan maganda din kahit paano nasasaktan ka para maexperience natin ang buhay.

And for this,
I understand why everybody hurts.

Friday 22 June 2012

Dehado

Kelangan ko ata ng lawyer.
Kelangan ko ata ng taong makakatulong sa amin para labanan ang isang maimpluwensiyang tao.
Kelangan ko ata ng tapang, ng lakas ng loob na bumangga sa isang malaking pader na nababakuran ng isang posisyon sa gobyerno na hindi natitibag.

Naiinis ako ngayon. Sobra. Sa mga abusado at mapang aping kamay ng isang taong may posisyon hinahawakan, at ginagamit nya yun para magtapang tapangan?

Sige para maintindihan nyo, ganito ang kwento:

Day 1.
Aksidente, Tricycle ng kuya ko at isang kotse, iniwasan lang naman ng kuya ko ang isang bus then biglang ngovertake yung kotse that causes the tricycle and car to collide. Gasgas lang naman. Buti na lang nobody's hurt.Sabi naman ng mga witnesses hindi naman kasalanan ng kuya ko, infact it was the mistake of the girl but then kinuha pa din ng girl yung license ng kuya ko to submit it sa husbannd nyang nagtratrabaho sa LTO. Wala ng pulis pulis, so ang maagang nagrespond ay yung  kagawad na naging witness sa pangyayari. 
To cut the story short umalis na yung girl  taking my brother's license.
Sya pa ng may ganang kumuha ng license ng kuya ko.


Day 2.
Syempre ang hanap buhay lang naman ng kuya ko ay ang pagapapasada ng tricycle. He is sending two kids sa school, yun lang ang source of income nila. So he is after his license to resume his job diba? Willing namn yung brother ko though it's not his fault to pay for the damaged basta at the right price. Ayun nagmakaawa sila, but then the girl's husband who happens to be working at LAND TRANSPORTATION OFFICE had been so sarcastic, inconsiderate and bossy. Panu ba naman daw kase, isa sila sa pinaka kinatatakutang bayan sa San Carlos. Damn. Malakas daw kapit at kung hindi kayang abutin ng kuya ko ang presyo na ibibgay nya eh sa Munisipyo na lang daw sila magusap. 




Walang makapalag sa mga kagawad's. Kase takot daw sila na baka mabwetahan pa sila. Naman oh, kami na nga yung nagpapakumbaba at humihingi ng konsiderasyon, pinagtaas taasan pa nya kami ng boses, ininsulto pa nya ang kuya ko at sobra naman syang nagmataas. Dyos ba sya? Na hindi sumasayad ang paa sa lupa at hindi mahawak hawakan?




Nakakainis yung mga ganung tao, may pinag aralan nga pero kung umasta hindi edukado. Porke ba't asa taas sya at asa baba ako? Porke ba't may pwesto xa at di hamak na drayber lang ang kuya ko. Tao lang din sya. "ANG HIRAP NG HUSTISYA PARA SA MAHIHIRAP LALO NA KUNG ANG KALABAN NILA AY YUNG MGA NASA KATUNGKULAN". Aapak apakan ka lang parang basahan. Trapo at sila yung dyamanteng kumikislap kislap at kumikinang kinang.

So ngayon, mananahimik na lang kami, wala naman kaming panlaban  eh, syempre iniisip din namin ang safety ng kuya ko. It's just sad. Sana pantay pantay na lang ang tao, walang mahirap, walang mayaman para walang naapi, walang nadedehado.

Sunday 17 June 2012

Linggo

Hayst... napaka productive ko sa araw nato..

11 na ko nagising pagkatapos syempre tumulong pa ko sa bahay, kase pag di ko ginawa yun naku lagot, makakarinig na naman ako ng long speech kay ate. Me pasok na naman bukas.Gusto ko ng mahababg bakasyon pero di naman pwede.

Masarap sanang matulog ngayon kase maganda yung panahon,umuulan ulan,masarap mag isip-isip ng kung anu-ano,mga panahon kung kailan maganda sanang mag emo, kaso wala ako sa mood.

Pagkatapos kumain, pumunta yung mga pinsan ko sa bahay, mga bata yung mga yun, makukulit sila, nagdodownload kase ako ng kanta eh gusto nilang manuod ng nakakatakot. Kaya ayun, kung ano- anung nakakatakot ang pinapanuod ko sa kanila. Pati ako din tuloy, nakikinerbyos sa mga nakakatakot na napapanuod namin, kung san san kami dinala ni youtube. Mula sa videos ng mga white ladies, black ladies, kay sadako, sa mga aswang,sa mga engkanto, hanggang napunta na kami ng exorcism at paranormal activity. Hehehe ayun takot na takot naman sila. Natatawa lang ako kase kapag nakakatakot ayaw nilang panuorin pero sila naman may gusto na manuod kami ng ganun ganun.

Pause.

Thinks.

Naisip ko lang bakit kaya ang totoo nakakasakit Bakit kaya kapag nakarinig ka ng something against you which you know is true, you tend to be hurt?
Pride ba ang tawag dun? Ego? Or indenial?

See, halimbawa sinabihan ka ng mga kaibigan mong maarte ka,and you know it's true, maoffend ka ba? Diba dapat hindi? Kase you know it's true, and you know it's you, either way ang dapat mong gawin is try to reach out to them at sabihin mong "Ako, eto eh". Yung iba kase mas nauuna yung pride and ego nila so they tend to be pissed off.

Naisip ko lang naman yun, wala naman akong pinanghuhugutan.


Madami sa mga tao ngayon mahilig magpretend. Palaging nakasuot ng invisible na maskara. Tatakpan nila yung kung anung meron lang sila dahil syempre nakakahiya diba? Ewan ko, pero minsan ginagawa ko din yun, but in the end pag humiga ka na sa gabi, maiisip mo, "Oo nakapagtago ka nga sa sa iba, pati sarili mo halos naloko mo na pero ngayon, sa ending, yung totoong ikaw pa din ang lalabas".

Inuulit ko wala akong Pinanghuhugutan. 







Saturday 16 June 2012

A Father's Day Note

Isa pa, masyadong nagenjoy eh.

Father's day na pala bukas. Tama ba ako or mali? Hindi ko kase alam ang exact date ng Father's day. Anyway happy Father's day sa lahat ng tatay at sa tatay ko syempre. (makakalmutan ko pa ba ang tatay ko?)

I am so grateful na ang naging tatay ko ay ang tatay ko ngayon.Super astig  kase ng tatay ko. 
Teka lang ah, kwentuhan ko kayo. 

Nung bata kase ako mula ng mamatay yung lolo't lola ko na nag alaga sa amin, tatay ko na yung sumunod na nag alaga sa amin. Sa akin especially kase yung mga kuya ko at yung nagiisa kong ate sa nanay ko napunta. Kaya talagang naging malapit ako sa tatay ko. The best yun, sya yung kakampi ko kapag inaaway ako ni ate, kahit sinong kumanti sa akin basta't alam nyang nasa tama ako pinaglalaban nya ako, at makikipag away sya talaga para sa kin. Kapag papasok ako nung elemntary ako, lagi nya akong pinagluluto ng breakfast, tapos lagi nya akong pianglalaba ng mga uniforms ko at lagi nya akong binibigyan ng baon ko syempre. 

Si tatay yung tipo ng taong kunwaring hindi malambing, yung tipo ng taong pag mag sosorry dahil may maling ginawa naiiyak pa yan, sya yung tipo ng taong alam nyang ipaglaban ang dignidad at mga pinaniniwalaan nya. Syempre di ko naman sinasabing santo ang tatay ko. May mga pagkukulang din sya pero dahil sa pagmamahal nya sa amin at sa mga kapatid ko parang napupunan na lahat. Sabi nila, babaero daw tatay ko, hehe totoo naman kaya nga taa sila naghiwalay ng nanay ko eh. Eh gwapo ang tatay ko eh. Pero wag kayo, My dad is a loyal lover, Nag antay sa nanay ko yan for 45 years kaso siguro talagang they are not meant to be.

Sabi ko lang sa sarili ko f ever gusto ko yung magiging asawa ko in the future dapat close match kay tatay. Eh kase naman san ka pa ba makakakita ng ganung tatay? Honestly, sobra sobrang pagmamahal ang binigay sa min ng tatay ko upto the point na namimisinterpret na sya ng ibang tao. 

Napaka swerte ko. Dahil hanggang ngayon kasama ko pa din ang tatay ko. Samantalang yung iba dyan, di man lang lumaking may tatay, di man lang nila naramdaman na mahalin ng isang ama. Haist. Yung iba din naman andyan nga yung mga tatay nila kaso di naman nila pinapahalagahan. Bakit kaya ganun nuh tapos kung kelan wala na tsaka nila hahanapin, tsaka sila mgsasabng i love you, bakit ganun, bakit ganyan.


Isa lang naman point na gusto kong sabihin dito eh, mahalin natin ang mag magulang natin habang andyan pa sila. Hindi sapat yung sasabihin mong "i love you " lang dapat sinasamahan mo ng gawa. Kase kapag wala na sila tsaka mo lang marerealized yung word na " SANA".

Happy Father's Day sa lahat ng Daddy!

My First Blogger Post [Testing]

Kanina ko pa sinusubukan ayusin ang first blog ko sa blogger. Kanina pa ko nagbabasa ng iba't-ibang blogpost. Nabasa ko na ata ang iba't-ibang storya ng buhay. Kanina ko pa tinitingnan si Yeng Constantino sa tumbler at kanina pa ko pabalik balik kay bianca gonzales sa iamsuperbianca. 


Ewan ko ba, hindi ko rin maintindihan. Parang ang gulo kase ng blogger, nahihilo ako at hindi ko alam kung paano ayusin ng tama ang blog na to. Teka lang, sawa na din akong mag english, lagi na lang akong nosebleed pag sa wordpress ako nag popost, eh kase sa palagay ko lang so wordpress mga sosyalera at inglesera mga andun, dito, ewan I just can be me I guess. 


So ano ba ang ineexpect nyong ishare ko sa inyo? Hindi po ako artista, lalong hindi din ako mukhang artista. Hindi din ako sikat, hindi ako kilala, hindi din ako mayaman para makapag post ng mga pictures na kinuhanan sa kung saan saan, at hindi ko din magagawang magpost ng masasrap na handaan. Sabi ko nga lagi sa mga kaibigan ko, "sagot ko na ang kwentuhan".


Ipapakilala ko muna ang sarili ko, pasensya na medyo makulit, pano ba.? Sige tawagin mo na lang akong anne, oo basta ann ang pangalan ko, "anne the dreamer" kase mahilig akong magkwento ng mga panaginip ko, ewan ko, sabi ng mga kaibigan ko lagi na lang akong may panaginip,sabi ko naman, "nanaginip din kayo, di nyo lang tinatandaan". hehehe  tama naman diba? Feeling ko kase lahat naman ng tao nananaginip. Gabi-gabi , ang point lang is hindi nila maalala yung mga napapanaginipan nila. 


Siguro masasabi kong ang blog na ito is my alter ego, usually kase  hindi naman ako madaldal, madalas, ako yung nakikinig. Mas magaling akong makinig eh. Siguro outlet ko na din to, sa dami kase ng naiisip ko,hindi ko na sila mapag fit sa iisang lugar... kaya kailagan ko ng diversion. 


Masayahin naman akong tao, simple lang ang gusto ko sa buhay, natatandaan ko pa nga, minsan tinanong ako ng kaibigan ko, "ano bang gusto mong phone model halimbawa meron ka?" sasabihin ko sana "Lumia", kaso naisip ko, parang di naman makatotohanan yun, so sabi ko na lang "asha 202", hehe ganun lang ako kasimpleng mangarap. Pero gusto ko lahat ng pangarap ko dahil simple na nga lang natutupad ko, yung sure ball, ika nga.. Yung  kaya kong abutin, yung alam kong hindi lang sya magiging pangarap habang buhay." Sabi pa ng mga kaibigan ko tawa lang daw ako ng tawa, eh ano pa ba naman ang aasahan mo, sa araw araw na maraming pagbabago, maraming problema, maraming pagsubok, papalit palit ng ihip ng hangin alangan namang sumimangot ka pa. Ano na lang kaya itsura mo nun?


Mahilig talaga akong magsulat ng kung anu-ano, pangarap ko kaseng maging writer, Idol ko si Bob Ong. Mga Isang taon na rin akong nagbloblog, may mga  followers din ako pero di naman ganun karami, sakto lang. Hilig ko lang talaga kaseng magsulat. Frustrated writer kase ako (pero secret lang natin yun)


Ano bang aasahan mo sa blog na to? Actually, wala! (joke lang) meron naman kung nabobored ka at gusto mong may magawa basahin mo lang toh malay mo, kahit konte may mapick up ka sakin diba, oh di natulungan pa kita. Simple lang naman ang rason ko kung bakit ko bubuksan ang blog na to, gusto ko lang marelease yung mga thoughts and ideas ng aking unconventional mind, kaya malamang sa hindi magdididsagree ka sa mga isusulat ko dito. 


Ano pa ba? Gusto ko lang din makatulong, kase alam ko marami sa atin ang may interes sa pagsulat, hindi nga lang alam kung san magsisismula. Ako din kaya. Unahan na lang tayo, hehehe... Hindi joke lang. Blog lang ng blog hanggat maubos ang mga ideas jan sa utak mo.Sulat lang ng sulat. Interes mo yan diba. panindigan mo... hehehe. 
Hindi.
Ang gusto ko lang naman sabihin eh, kung pangarap mo talagang magsulat eh umpisahan mo. Gawan mo ng paraan. Hindi yung wala ka ng gagawin dahil, wala ka din naman magagawa. Haist....




Wish ko lang sana magng successful to, wag matabunan ng panahon. Wish ko lng naman yun. Sana may magbasa at matuwa. Sana makahanap ako ng mga tao na mag pupursue pa sakin at sabihin hilang galingan ko pa. 
Yun lang naman ang masasabi ko ngayon, pero magsusulat pa ko ng isa pang post.