Saturday 14 July 2012

Week Of Sharing [lotsa freebies]

Tuesday:


waaaaahhhhhhhhhh...... 


Puyat.
Puyat.
Puyat. 


Lagi na lang puyat, Tatlong araw na, kung tatanungin mo ako kung bakit eh dahil sa kapapanood ko ng korean novela. 


Heartstring ang title, or pwede naman You've fallen for me. Tagal ko na din hindi nakakapanuod ng mga ganito, last na pinanuod ko is yung Secret Garden, dun din nasira yung laptop ko hehehe... Kaya mula nun, hindi na ko nakapanuod. Anyway, eto na naman ako naaddict sa mga Korean Novelas. I dont know bakit, must be the story plot, simple kase yung mga korean novelas, light lang, nakakatawa tapos it captures the heart of the viewers lalo na pag mga romantic comedy. Kaya madadala ka talaga sa mga stories upto the extent na feeling mo inlove ka na din.  Hindi katulad ng mga pinoy seryes natin, masyadong madrama, ang dami pang patayan, masyadong harrass, pinatay na nga bubuhayin pa ulit, maraming twists na hanggang aabot na ng isang taon yung story kakadugtong. Pero hindi ko naman sinasabing hindi maganda yung mga pinoy seryes natin, napansin ko nga ngayon, medyo lumilevel up na yung mga pinoy seryes natin. (Pambawi lang pero oo totoo na naman)
Ayun,sa korean novela naman, ang ayaw ko lang eh parang halos lahat parehas ng story plot, it's either the girl likes boy/boy likes girl pero magkaaway sila, parang ang theme eh laging the more you hate the more you love, cats and dods tapos ending lovers. Pero ewan ko masarap pa din panuorin kahit na parang pare-pareho lang yung theme ng story. Nakakainlove kase and must be the actors and actress too, ang cute kase nila, tapos magaling pang umarte kaya  siguro mas lalong ginaganahan tayong manuod. 
Going back sa Heartstring na pinapanuod ko, asa episode 10 na ko, parang 5 episodes per day ang ngyayari. eh kase naman magstart ako manuod ng 8:30 (kase by that time tapos na ko kumain, mamalantsa and maghilamos)tapos matatapos ako ng past 1 5 chapters pa lang yun, hihihi.. 
Teka, ang dami kong commercial, kelangan ba sa lahat ng bagay nag eexplain?


Balik tayo ulit, ayun nga, Maganda din kase yung Heartstrings, para syang musical type na romantic comedy. It's a story of  a boy and girl na nagaaral sa isang art school, major nila ang music.Tapos si guy, parang more on rock genre sya. leader ng stupid band,  while the girl naman is on the traditional music.Love hate relationship.Nagkakilala sila tapos si girl hate nya si guy, kase mayabang, arrogant and all that pero in the end nainlove si girl sa knya kaso si guy may gusting iba, yung dance professor, kaso ayaw naman sa kanya nung dance professor kase may gusto syang iba yung kabatch nya na hinire para mag direct ng 100 anniversary ng university ata nila. Ayun, so the guy got rejected by the Dance instructor, tapos madaming twist na in the end, nung gumive up na si Girl kay guy, dun narealized ni guy na gusto nya pala si girl. Tapos syempre di ko alam ang ending dahil hindi ko natatapos, hihihi..Basta panuorin nyo na lang, To help eto yung link: http://www.mysoju.com/korean-drama/heartstrings/


Next stop!


Isa sa pinagkakabalahan ko ngayon ay ang Adobe Lightroom. Ganda kaya, i mean for lighting effects sa mga pictures lightroom is the best. Tapos ang daming presets na pwede na ring idownload, haha last sunday, nagenjoy nga ako,pero syempre dami ko pang dapat matutunan kaya im still learning. Learning process ulit. Eto yung mga sample works ko,




hihi tapos inupload ko na din yung installer ng lightroom dito just incase you want to try, hahaha amazing experience talaga. Ewan ko ba kung bakit enjoy na enjoy akong magedit ng pics, nakakainis lang kase wala akong magandang pic na iiedit, hehe.. Pero ayan so far, maganda ang lightroom experience ko, strongly recommended. 




If you want to try light room as well here is the intaller http://www.4shared.com/file/oLPw8Tuh/Lightroom_3_LS11_win_3_4_1.html
http://www.4shared.com/office/AZhVL1Qb/adobe_lightroom_serial.html

:P




The magic.






Since natapos ko na yung Tuesdays with Morrie, May inuumpisahan na naman akong basahin, It's the magic by Rhonda Byrne. Yup sya yung author ng The Secret. It's a 28 days journey book wherein its says it could transform you and change everything that you need to change in life. The Magic? It being Grateful. Gratitude. Oooopppsss to all those logical thinkers.. please.. try to understand. I know pwede mong sabihin, pathetic, bakit kailangan pa ng book para lang maachieved ang gusto mong maachieved, but I'll tell you, what's the problem by trying? Hihi.. so ayun so far asa Day 5 na ako, and yes, i think its working. Being thankful sa lahat ng blessing na dumarating sayo,it feels like mas madaming dumarating. 
Nakakatuwa lang. 


I hope it help when you want to read the book as well http://lifebooks4all.blogspot.com/2012/06/magic-rhonda-byrne-download-free-pdf.html




Last, Instrumental songs.


Kung last week, mga podcasts ni zig ziglar yung pinapakinggan ko, ngayon naman im  tuned into instrumental music, maganda pala yun nuh,nakakarelax. Pianos, violin, guitar, flute tapos remix and combinations. Narealized ko lang, maganda pala yung mixed up ng violin with sa rock na melody ng guitar. Gothic ang labas. Maganda. Maganda talaga. 




Ayun, dami kong pinagkakaabalahan nuh? Ganun talaga, kelangan ko din kase naman humabol sa panahon kahit sobrang busy sa trabaho. Kelangan kong maghanap ng pagkakabalahan ko din sa mga spare time ko. Boring kase ang mga bagay-bagay kapag trabaho-kain-tulog ka na lang, hindi na nga ako gumigimik at lumalabas masyado, gastos pati kase. 

PS. By now, natapos ko ng panuorin yung heartstrings... I bet you should watch it as well. Continues pa din yung pag follow ko dun sa 28 days Magic. Who knows?


Lastly... I am so thankful this week because I am so blessed!

No comments:

Post a Comment