Saturday 21 July 2012

Mga Batang Badjao




Kaninang umaga ng papasok ako sa trabaho, may sumakay sa jeep na sinasakyan ko. Mga Batang badjao.
Pamilyar tayo sa kanila, mga batang may dalang enveloped tapos may nakasulat na parang ganito:


-photo coutesy of foobarph-

Syempre isa-isa nilang hihingian yung mga pasahero ng konteng barya.

Hindi ako yung tipo ng taong mahilig magbigay ng limos. Ewan ko especially kapag yung mga nakikita ko pa naman na kaya nilang magtrabaho pero with these badjao children, more than limos, I think they need a shelter, a home. Hindi ko alam kung san sila galing at kung paano at bakit sila napunta dito sa amin.. Basta madalas ko silang makita, madalas silang palakad lakad, ang daming batang kasama, yung ibang baby pa as in months pa lang kahit umuulan kasama pa din sa paglalakad, nakasukbit sila sa likod ng nanay nila na parang alam mo yung naka back pack lang. Grabeh minsan nakakaawa talaga.

Minsan may narinig ako sa balita. Kinukuha daw ng mga taga DSWD yung mga badjao na ito pero parang ayaw daw ng mga badjao na pumunta ng DSWD. Kaya kapag andyan na yung mga taga dswd, ayun, nagsisitakbuhan sila dahil ayaw mahuli.

May I just also quote this report that I had researched:

"Tinungo ng pwersa ng Public Order and Safety Office (POSO) ang lugar kung saan iligal na naninirahan ang ilang pamilya ng Badjao sa lungsod ng Dagupan.

Ang misyon, tuluyang paalisin ang mga natitirang Badjao na perwisyo umano sa lungsod, partikular ang mga nasa dalawang Barangay ng Pogo Chico at Barangay II.

Kasama ang pulisya, kinatawan ng City Social Welfare and Development Office at dalawang barangay na apektado, mahinahong pinakiusapan ang mga natitirang Badjao.

“Kung gusto nilang manataili diyan, ok lang naman kung maglinis sila", ayon kay Barangay II Chairman Roberto Melecio.

Sa tabi ng creek, pakalat-kalat ang gamit ng mga Badjao. Sa huling pagkakataon, wala ng nagawa ang mga Badjao kundi mag-alsabalutan.

Ayon kay Ayton Saman, isang Badjao, naiintindihan naman nila kung bakit sila pinapaalis sa lugar.

“Oo, naiintindihan ko, kaya nagpapasalamat kami sa kanila na binigyan kami ng respeto, hindi tulad ng iba na marami pang nasaktan".

May labing-apat na pamilyang Badjao ang nasa listahan ng City Government at ang grupo ni Ayton Saman ang pinakahuling pinaalis sa lungsod.

“Hindi ko sinisisi ang gobyerno pero hindi pantay. Kung saan ba may squatter, like yung sa bonuan, na pwede kami. Kasi pagdating namin sa ibang lugar, ganundin, papaalisin din kami", dagdag ni Saman.

“Ang Dagupan City is a friendly city. Welcome ang lahat po. Kaya lang po, dapat in order po yun. May tinatawag tayong public order at public safety. Unang-una, yung kalikasan, environment. Pangalawa, kasulugan, actually, number 1 ang kalusugan nila", pagbibigay diin ni POSO Chief Robert Erfe Mejia.

Binigyan rin ang mga pinaalis na Badjao ng pamasahe at truck na hahakot ng kanilang gamit papunta sa terminal ng bus. --Glamorfe L. Calicdan, GMANews".

Kung tutuusin hindi ba dapat may sarili ring lugar ang mga taong ito? Afterall, tao din naman sila.. For me, there should be a place for them, something that they can call home, a decent living, funds para matuto yung mga bata,makapag aral, at hindi madiscriminate. There should be a law to protect them as well, I bet there is law naman siguro pero hindi lang properly naiimplement.

Gaya na lamang ng dalawang batang badjao na sumakay sa jeep na sinasakyan ko kanina, actually, may talent yung bata sa drums, maganda yung beat. Kakaiba. To think na improvised lang din yung tambo-lata na ginamit nya. If matututukan sila ng maigi, kung may magbibigay halaga sa kanila, malamang magiging maganda ang kinabukasan ng mga batang yun.

Hindi lang naman ang mga kaso ng mga batang badjao ang kailangan nating pagtuunan ng pansin, marami pang mga batang lansangan ang dapat nating pagtuunan ng pansin. Marami pa.Hindi naman dapat iasa na lang natin lahat sa GOBYERNO. Dapat it starts with the parent. Responsible parenthood. Ang nakakaasar lang eh dahil kailangan pang ituro sa mga magulang ang pagiging responsible parents na dapat eh kusa na lang nararamdaman ng mga magulang.

Second siguro tayo din, the people surrounding this children. Bukod sa mga parent, we the citizens of the same community should help guiding this children. Esp. ang mga young etchnic groups. Kase diba they are treasures and legends of our country.

Lastly, the Government of course. As I was saying earlier they need to have a place. A haven wherein they will permanently live. A place where there is acceptance, livelihood and proper guidance.


Its easy if well do this hand in hand.

No comments:

Post a Comment