Saturday 30 June 2012

Realizations- Saturday Session

Kumusta?

Di ako masyadong okie ngayon, sunod sunod kase problema dumating sa akin, sa family, sa work, sa mga kaibigan, isama na rin natin ang usapang pinansyal. kalusugan at kung anu-ano pa. Favorite kase ako ni Lord, kaya sabi nya sa kin, "Anak, isang bagsakan na lang problema mo, after nito okie kana". hehehe
Syempre hindi ganun yun,pero sana pwedeng ganun nuh. Per kung titingnan parang ang tagalko na rin hindi umiyak, hindi nagkaruon ng problema, siguro nabasa na ni Lord na medyo wala akong masyadong challenges na binibigay sa akin at parati na lang akong naka idle kaya ngayon heto buhos ang ginawa nya.

Sabi nga ng kaibigan ko, ganun daw talaga. hehehe.. nakakamiss din daw kase ang mga times na ganito, hmmmm... kung pwede lang sabihinko sa kanya kung ikaw kaya asa kalagayan ko ngayon, sasabihin mo rin kaya na nakakamiss ang mga times na ganito?

Ang dami kong natutunan ngayong week na'to, at higit sa lahat madami din akong iyak na naiiyak. Ang hirap eh, lalo na pag usapan pampamilya. Siguroikaw din,pag pamilyamo ang pinag uusapan, hindi mo mapipigilangmaging emosyonal, hindi mo mapipigilang hindi masaktan, hindi mo mapipigilan ang iyong sarili upang magsa walang bahala na lang. Sabi ko nga, kantihin na lang ako, as in ako na lang, wag lang ang pamilya ko, kase higit sa lahat sila ang pinakaimportateng bagay para sa akin dito sa mundo. Gaano man kagulo ang pamilya mo, may mga hindi pagkakaunawaan pero sa huli sila pa rin ang tatakbuhan  mo once na kailangan mo ng tulong. Sila pa rin ang tatawagin mo kapag nagkasakit ka at higit sa lahat sila ang una mong gustong pag alayan ng tagumpay na iyong makukuha.

Ganun kahalaga ang pamilya.            


This week, pinaka mahalagang bagay na natutunan ko ay ang pagpapahalaga sa word na tiwala. Para mas clear tiwala sa kaibigan. Hindi ko talaga ineexpect na ang tinuturing kong kaibigan ang syang magdadala sa akin ng kapahamakan. Hiast... Erase... Sobra naman term yun, ganito,minsan kase  akala natin mga true yung kaibigan natin, pinakakatiwalaan natin sila, pahahalagahan natin yung tiwala na yun, panghahawakan, pero masakit kapag nalaman mong kaibigan mo pero hindi ka pala tinuturing na kaibigan dahil sa huli ipapahamak ka din pala.

Betrayal.

Totoo pala si Hudas.

At masakit, dahil sa taong tulad kong madaling magtiwala, nagiging harang yun para sa susunod magiging mahirap akong magtiwala sa mga tao. Tama din pero ang kasabihan, na kung gusto mong malaman kung mapagkakatiwalaan ang tao, kailangan mo munang magtiwala sa kanya. Kapag positive ang result eh di maganda, kung negative naman at least natuto ka.

Tiwala.

Na minsan nabali ko na. Sising-sisi talaga ako. Dahil sa pagkakamali ko, dahil minsan din akong pinagtiwalaan pero binali ko naman. I feel guilty talaga, at nagsisisi ako bakit ko ginawa yun.  Pero ngyari na, everybody deserves second chances naman, kelangan lang itama ang lahat ng pagkakamali. Kelangan lang matuto sa mga pagkakamali, at ang mahalaga maging maingat sa pagpili ng mga kaibigan.

Next week pala, magboboard na ko, hindi po board exam,  boarding house ang tinutukoy ko. For the first time mapapalayo na ko sa pamilya ko. Honestly ayoko naman talaga, pero I have my reasons kung bakit ko ito gagawin. Para ito sa sarili ko, para mapatunayan ko na kaya ko din tumayo sa sarili kong paa. Tsaka isa pa, laki din ng matitipid ko kapag mas malapit yung titirahan ko sa work ko. Ganito pala nuh, kapag nagwowork ka na, every single penny na nagagastos mo it counts. Halos dina ko makabili ng sarili kong gamit, kung kailan nakapagtrabaho na ko, dun pa yung parang halos evryday gipit ako. Isa pa, kahit may sakit ka,papasok ka, kase sayang yung araw, samantalang nung college ako,papasok lang ako kung kelan ko gusto, pero syempre hindi namn ako ganun, regular naman akong pumapasok except lang kung Statistic class ko. Ngayon kahit nilalagnat ako, kahit bumabagyo hala, pasok pa din ako. Kase pinanghihinayanga ko yung araw na hindi papatak ang metro, sayang din kase yun.

Binabasa ko din pala yung Tuesdays with Morrie ni Mitch Albom, nice yung book. Its a story of a student and a professor, yung professor me sakit sya and anytime isa bout to die, but he made his remaining days a meaningful one by becoming interested in people. Tapos yung student nya before kase nafeature yung professor sa TV, pinuntahan nya, tapos ayun, every Tuesdays dumadalaw sya dun sa professor nya and with those sessions ang dami nyang natutunan. Shorcut lang yun sinabi ko syempre, Basahin nyo din yung book,  madami kayong matututunan about life.

Tapos.....

Hindi din natuloy ang plano kong Balungao Adventure, pano naman kase, two straight Fridays na na me bagyo. Syempre iisipin ko din yung safety ng mga kasama ko tsaka malamang nman sa hindi, hindi din sila mageenjoy if ever umuulan ata pupunta kami dun. Maybe next time, kaso baka matalagan pa.


Hindi ko pa malalagyan ng continuation yung poste kong para kay Bob Ong. Wala kaseng oras tsaka sabi ko nga diba daming touble dumating, naalala ko din, meron din pala akong sinusulat na story, hahaha comedy romance ang theme. Kaso hindi ko pa din sya tapos, tsaka asa office yung file ko na yun, hindi ko kase nasend sa email ko, kaya ipopost ko na lang yun next week.

Ayun lang naman gusto kong ishare today,  wala na so far, siguro next week nalang ulit ako makakpag post.

Have a nice week end!

Saturday 23 June 2012

Sa isang Pangarap.

Isang Linggo na akong ngbloblog sa Blogger!
Congratulations sa akin.

Kaso parang wala pa ring nangyayari, parang wala naman nakakabasa ng blog ko. Eh kung tutuusin, eto naman talaga gusto ko pero ewan something leaves me unsatisfied. Itutuloy ko pa ba to or stop na sa kalokohan ko?

Nalala ko tuloy yung inuumpisahankong libro dati, sayang di ko na naipag patuloy, pwede pa kaya?

Repost ko na lang dito at tingnan natin kung anong magagawa ko para maipagpatuloy ko ito. 

from Post: Para kay Bob Ong


Minsan sa buhay ng isang tao dumarating ang pagkakataong napapaisip tayo kung ano nga ba ang misyon natin sa mundong ibabaw. Lahat nilikha ng may dahilan. Lahat biniyayaan ng mga talentong kakailanganin ng sankatuahan. Ang drama naman ng intro ko. Ganito nga ba talaga kalala ang epekto ni Bob Ong sa Akin? Malala! Parang mas malala pa sa HIV Virus! Ay, hindi na pala uso ang HIV, H1N1 na pala.. kaso medyo parang trying hard ata.
Ang totoo nyan fan talga ako ni Bob Ong kaya isinulat ko ang Librong ito. Trying hard version ng Stainless Longanisa. Hehehe ayos lang atleast naglakas loob ako na magpakatrying hard.. ang iba ikinahihiya ang pagkatrying hard pero ako proud ako. Ewan ko din kung bakit pero siguro dahil makapal lang talaga ang mukha ko. Oo makapal nga talaga. Pero infairness naman may mga pagkakaiba kami ni Ka bob..
MGA PAGKAKAIBA NI BOB AT AKO:
1. Hindi ako gumamit ng nagtataeng ballpen pero dati gumamit ako ng ballpen.
2. Wala akong mahanap na printing press o kaya ay publishing house.
3. Mas magaling talaga si ka Bob kesa sa akin.
Iniisip ko nga may future din kaya ako sa pagsusulat? Sa pagiging writer!? Ewan ko din. Nahirapan nga ako kung anung title nga ba ang gagawin ko para sa trying hard na librong ito. “The trying hard Stainless Longanisa?”, “Ang paboritong Libro ni Bob Ong?” (teka mahirap ata ito, nakakahiya naman kay Bob Ong) “ ABNKKSLATNPLAAKKOOO?”, hehehe o kaya  “bakit baliktad magsulat ang mga Pilipino?” Nahirapan akong pumili parang lahat naman maganda sa aking pananaw. Ang alam ko lang sa ngayon inspirado akong magsulat, lang makakapigil, para kay Bob Ong the master!!! Hehehe
Lahat naman pwedeng maging writer. Kahit na sino.. Kahit sa papanong estilo at paraan. May kanya kanya namang ideya at pananaw ang bawat tao.  May kabuluhan man o wala ideya mo pa rin yun hindi pwedeng kondinahin at baliwalain. Kailangang pakinggan at unawain. Gusto kong maging writer. Gusto kong magsulat. Gusto kong sabihin sa lahat ang nasa isip ko. Gusto kong mapakinggan ang aking tinig. May kumontra man o wala.. Para kay Bob Ong..Tma nga si Bob Ong… Hindi gaya ng ibang bansa na mas malawak ang pananaw pagdating sa pagsusulat. Hindi sarado ang isipan. Kahit anong ideya pwede. Pero ditto sa ating bansa , hindi tayo ganun. Pinipili lamang ilabas kung anu yung nakikita nilang tatabo sa market. Yung sureball na kikita sila. Malupit!!!! Pano pa masasakatuparan ang pangarap kong maging writer kung ganito ang sistema sa ating bansa?
Naalala ko tuloy nung bata ako tulad ni Bob gustong gusto ko ding magsulat. Tuwing pinapasulat kami ng Engish teacher ko ng Formal theme lagi akong excited. Gusto kong lagging nakikita ang aking teacher na binabasa ang gawa ko habang napapangiti-ngiti pa. Tuwang tuwa ako nun. Tapos makikita ko 98% ang grade ko at may side comment pa na “well done”, nagpatuloy hanggang highschool, hanggang colloge. Sumama ako sa mga essay writing contest peri sa kasamaang palad, wala hindi naman ako nanalo. Pero Masaya pa din ako para sa akin isa iyon sa mga achievements ko. Isa iyon sa mga gusto kong mangyari. Hindi din ako expert wrioter, hindi ako kumaha ng writing course, Hindi ako grumaduate sa kahit anung popular na unibersidad sa maynila. Isa lang akong istudyante sa isang kolehiyo na may expertise sa IT.  Nangangapa din ako.Nagaalinlangan.. Hindi maalis sa isip ko ang rejection pero naumpisan ko na at kailangan kong tapusin, dahil kung hindi ko gagawin parang wala na din akong ginawa sa mga pangarap ko sa buhay. At hindi naman ata tama na  masira ang lahat ng pangarap ko sa buhay dahil lamang sa pag aalinlangan ko.
Hindi ko mapigilan ang aking sariling maluha habang ginagawa ang aklat na ito. Grabe para akong naka high… Lutang na Lutang ako sa saya!!! Sa wakas na matapos ko ang aklat na ito.  Isa na akong writer at mababasa pa ng idol kong si Bo ang aklat na inspired sa kanya.
Magaling…
Katulad ni Bo, gusto ko ding magbasa basa ng libro.. Siya nag paborito kong writer. Tatlo sa Libro nya ang nabasa ko na.. Ang ABNKKBSANPLAAKKKO Ay nabasa ko ng dalawang beses, ganun din sa Stainless Longanisa at Mc Arthur.. Hangang hanga talaga ako sa kanya. Pero ang mas nakakahiya nito ay dahil sa tatlong libro nay un ni isa wala akong binili, hiniram hiram ko lang pero inimpluwensyahn ko naman yung classmate ko na basahin ang mga libro ni Bob Ong. Sa haba ng pilitan, tanungan kung bibilihin nya ba o hindi, sa haba ng diskusyon naming dalawa sa wakas nakumbinsi ko din.. ung isang libro naman ni Bob Ong hiniram ko lang sa school library namin. Bumibili din ako ng libro, kadalasan sa Bookworld mura kase ang mga libro dun. Halagang P50 lang binibili ko. Inspirational books, Novels, Love Stories… Siguro mga 7 libro na ang nabili ko ung iba naming librong nasa akin hiniram ko lang na hanggang ngayon di ko pa naibabalik. Sabi ng iba boring daw magbasa ng libro.. Yung iba naman inaantok daw kapag nagbabasa.. Pero para sa kin exciting ang magbasa.
M as nagiging malawak ang pananaw mo sa buhay. Matutuwa ka, maiiyak… Magagalit…  To be continued….

Ituloy ko ata to kaso trabaho na naman, mahirap pa naman ang trabaho ko ngayon, madaming hassle kase madaming ginagwa, pagisipan ko lang.Tingnan natin... 

Every body Hurts



How many times do we need to hurt and be hurt?

Ayan ang tanong ko sa sarili ko ng paulit-paulit.
Paulit-ulit.
When we love, we hurt.
When we fail, we hurt.
Lahat ng bagay minsan kelangan me kalakip na pain.
Minsan naiisip ko, Hindi ba pwedeng hindi ka na lang masaktan?
Hindi ba pwedeng wala na lang nanakit?
Hindi ba pwedeng everybody happy na lang?

Sorry sa post ko na to, super Nega. Though I know naman na there’s a reason for every pain we take. Halimbawa na lang, ang pagsakay sa bisekleta, para matuto, kailangan mong matumba, kailangan mong masaktan, kailangan mong masugatan. Kailangan mong pagdaanan ang lahat ng bagay na to para sa huli ikaw ay matuto.

Sa love, hindi naman dapat laging perfect, laging happy ending, na dapat walang umiyak, na dapat walang nasasaktan, kase hindi mo malalaman na nagmamahal ka ng totoo hangga’t di mo nararanasang magbigay at magmahal kahit patuloy at pauilt ulit kang nasasaktan.

Sa buhay, hindi ba’t madalas sa kalimitan natututo tayo through our painful experiences?
Hindi ba?
Hindi ba kapag nasaktan ka ng sobra, tumatatak yan sa isipan mo, nag-iiwan ng scar na patuloy na magpapaalala sayo ng sakit na pinagdaanan mo.
Lessons learned.
Through hurting we learn how to fight. Kapag sobra ka ng nasaktan, pag feeling mo super na down ka na, pag feeling mo sobra ka na naapi, diba dun ka natututong lumaban? Pansinin nyo, yung hayop, aso, ahas, pusa, name it all, hindi ba’t hindi sila narereact unless they are hurt? Kahit makakita ka pa ng ahas dyan once na di mo sya ginalaw at di mo sya pinansin, sya pa ang iiwas sayo, pero subukan mong hampasin yang ahas, apakan, see how will they react. It takes pain for us to learn and understand the word “fighting”.

It is through hurting as well when we learn that no man is an island. Kailangan natin ng kaibigan. Kailangan natin ng makikinig. Kailangan natin ng kasama dahil hindi mo naman kailangan maging magisa. Mas masarap yung may tao na nakikinig sayo, nakikiiyak, whether your family, your friends, boyfriend mo man yan o asawa. Sabi nga nila Two is better than one. Kung sa lahat ng bagay ikaw at yung partner ay may hatian, dapat sa sakit na pagdaraanan ng sinuman sa inyo, may parte pa din ang isa. Give and Take.

And most of all through hurting, we learn to trust with the Lord. Has there been a point in you life na sobra ka ng nasaktan at wala ka ng magawa? Yung tipong hirap na hirap ka na at gusto mo ng sumuko? And your last resource is God, kase alam mong ginawa mo na ang part mo, and you just surrender to him. Alam mong kailangan mo ng mag give up at ipaubaya sa kanya  ang lahat dahil in the end alam mong sya na ang magtatake over.Sabi ni lord “Pahinga ka na anak, let me take over”.

Therefore should I say that pain is constant?

Kase diba, even god endured pain too, physically, mentally, spiritually and emotionally.
Siya nga who is powerful amongst us all hindi nakaligtas sa pain diba? Tayo pa?

But then, after the pain, there’s alight, parang sun after rain, there are lessons learned. You become wiser; you become much stronger and better person.

Pain is constant.

Pain is essential.
Like air so we live, like water which frees us from our thirsts. Pain is sometimes a good teacher which teaches us even without going to school, without paying for high tuition fees.
Minsan maganda din kahit paano nasasaktan ka para maexperience natin ang buhay.

And for this,
I understand why everybody hurts.

Friday 22 June 2012

Dehado

Kelangan ko ata ng lawyer.
Kelangan ko ata ng taong makakatulong sa amin para labanan ang isang maimpluwensiyang tao.
Kelangan ko ata ng tapang, ng lakas ng loob na bumangga sa isang malaking pader na nababakuran ng isang posisyon sa gobyerno na hindi natitibag.

Naiinis ako ngayon. Sobra. Sa mga abusado at mapang aping kamay ng isang taong may posisyon hinahawakan, at ginagamit nya yun para magtapang tapangan?

Sige para maintindihan nyo, ganito ang kwento:

Day 1.
Aksidente, Tricycle ng kuya ko at isang kotse, iniwasan lang naman ng kuya ko ang isang bus then biglang ngovertake yung kotse that causes the tricycle and car to collide. Gasgas lang naman. Buti na lang nobody's hurt.Sabi naman ng mga witnesses hindi naman kasalanan ng kuya ko, infact it was the mistake of the girl but then kinuha pa din ng girl yung license ng kuya ko to submit it sa husbannd nyang nagtratrabaho sa LTO. Wala ng pulis pulis, so ang maagang nagrespond ay yung  kagawad na naging witness sa pangyayari. 
To cut the story short umalis na yung girl  taking my brother's license.
Sya pa ng may ganang kumuha ng license ng kuya ko.


Day 2.
Syempre ang hanap buhay lang naman ng kuya ko ay ang pagapapasada ng tricycle. He is sending two kids sa school, yun lang ang source of income nila. So he is after his license to resume his job diba? Willing namn yung brother ko though it's not his fault to pay for the damaged basta at the right price. Ayun nagmakaawa sila, but then the girl's husband who happens to be working at LAND TRANSPORTATION OFFICE had been so sarcastic, inconsiderate and bossy. Panu ba naman daw kase, isa sila sa pinaka kinatatakutang bayan sa San Carlos. Damn. Malakas daw kapit at kung hindi kayang abutin ng kuya ko ang presyo na ibibgay nya eh sa Munisipyo na lang daw sila magusap. 




Walang makapalag sa mga kagawad's. Kase takot daw sila na baka mabwetahan pa sila. Naman oh, kami na nga yung nagpapakumbaba at humihingi ng konsiderasyon, pinagtaas taasan pa nya kami ng boses, ininsulto pa nya ang kuya ko at sobra naman syang nagmataas. Dyos ba sya? Na hindi sumasayad ang paa sa lupa at hindi mahawak hawakan?




Nakakainis yung mga ganung tao, may pinag aralan nga pero kung umasta hindi edukado. Porke ba't asa taas sya at asa baba ako? Porke ba't may pwesto xa at di hamak na drayber lang ang kuya ko. Tao lang din sya. "ANG HIRAP NG HUSTISYA PARA SA MAHIHIRAP LALO NA KUNG ANG KALABAN NILA AY YUNG MGA NASA KATUNGKULAN". Aapak apakan ka lang parang basahan. Trapo at sila yung dyamanteng kumikislap kislap at kumikinang kinang.

So ngayon, mananahimik na lang kami, wala naman kaming panlaban  eh, syempre iniisip din namin ang safety ng kuya ko. It's just sad. Sana pantay pantay na lang ang tao, walang mahirap, walang mayaman para walang naapi, walang nadedehado.

Sunday 17 June 2012

Linggo

Hayst... napaka productive ko sa araw nato..

11 na ko nagising pagkatapos syempre tumulong pa ko sa bahay, kase pag di ko ginawa yun naku lagot, makakarinig na naman ako ng long speech kay ate. Me pasok na naman bukas.Gusto ko ng mahababg bakasyon pero di naman pwede.

Masarap sanang matulog ngayon kase maganda yung panahon,umuulan ulan,masarap mag isip-isip ng kung anu-ano,mga panahon kung kailan maganda sanang mag emo, kaso wala ako sa mood.

Pagkatapos kumain, pumunta yung mga pinsan ko sa bahay, mga bata yung mga yun, makukulit sila, nagdodownload kase ako ng kanta eh gusto nilang manuod ng nakakatakot. Kaya ayun, kung ano- anung nakakatakot ang pinapanuod ko sa kanila. Pati ako din tuloy, nakikinerbyos sa mga nakakatakot na napapanuod namin, kung san san kami dinala ni youtube. Mula sa videos ng mga white ladies, black ladies, kay sadako, sa mga aswang,sa mga engkanto, hanggang napunta na kami ng exorcism at paranormal activity. Hehehe ayun takot na takot naman sila. Natatawa lang ako kase kapag nakakatakot ayaw nilang panuorin pero sila naman may gusto na manuod kami ng ganun ganun.

Pause.

Thinks.

Naisip ko lang bakit kaya ang totoo nakakasakit Bakit kaya kapag nakarinig ka ng something against you which you know is true, you tend to be hurt?
Pride ba ang tawag dun? Ego? Or indenial?

See, halimbawa sinabihan ka ng mga kaibigan mong maarte ka,and you know it's true, maoffend ka ba? Diba dapat hindi? Kase you know it's true, and you know it's you, either way ang dapat mong gawin is try to reach out to them at sabihin mong "Ako, eto eh". Yung iba kase mas nauuna yung pride and ego nila so they tend to be pissed off.

Naisip ko lang naman yun, wala naman akong pinanghuhugutan.


Madami sa mga tao ngayon mahilig magpretend. Palaging nakasuot ng invisible na maskara. Tatakpan nila yung kung anung meron lang sila dahil syempre nakakahiya diba? Ewan ko, pero minsan ginagawa ko din yun, but in the end pag humiga ka na sa gabi, maiisip mo, "Oo nakapagtago ka nga sa sa iba, pati sarili mo halos naloko mo na pero ngayon, sa ending, yung totoong ikaw pa din ang lalabas".

Inuulit ko wala akong Pinanghuhugutan. 







Saturday 16 June 2012

A Father's Day Note

Isa pa, masyadong nagenjoy eh.

Father's day na pala bukas. Tama ba ako or mali? Hindi ko kase alam ang exact date ng Father's day. Anyway happy Father's day sa lahat ng tatay at sa tatay ko syempre. (makakalmutan ko pa ba ang tatay ko?)

I am so grateful na ang naging tatay ko ay ang tatay ko ngayon.Super astig  kase ng tatay ko. 
Teka lang ah, kwentuhan ko kayo. 

Nung bata kase ako mula ng mamatay yung lolo't lola ko na nag alaga sa amin, tatay ko na yung sumunod na nag alaga sa amin. Sa akin especially kase yung mga kuya ko at yung nagiisa kong ate sa nanay ko napunta. Kaya talagang naging malapit ako sa tatay ko. The best yun, sya yung kakampi ko kapag inaaway ako ni ate, kahit sinong kumanti sa akin basta't alam nyang nasa tama ako pinaglalaban nya ako, at makikipag away sya talaga para sa kin. Kapag papasok ako nung elemntary ako, lagi nya akong pinagluluto ng breakfast, tapos lagi nya akong pianglalaba ng mga uniforms ko at lagi nya akong binibigyan ng baon ko syempre. 

Si tatay yung tipo ng taong kunwaring hindi malambing, yung tipo ng taong pag mag sosorry dahil may maling ginawa naiiyak pa yan, sya yung tipo ng taong alam nyang ipaglaban ang dignidad at mga pinaniniwalaan nya. Syempre di ko naman sinasabing santo ang tatay ko. May mga pagkukulang din sya pero dahil sa pagmamahal nya sa amin at sa mga kapatid ko parang napupunan na lahat. Sabi nila, babaero daw tatay ko, hehe totoo naman kaya nga taa sila naghiwalay ng nanay ko eh. Eh gwapo ang tatay ko eh. Pero wag kayo, My dad is a loyal lover, Nag antay sa nanay ko yan for 45 years kaso siguro talagang they are not meant to be.

Sabi ko lang sa sarili ko f ever gusto ko yung magiging asawa ko in the future dapat close match kay tatay. Eh kase naman san ka pa ba makakakita ng ganung tatay? Honestly, sobra sobrang pagmamahal ang binigay sa min ng tatay ko upto the point na namimisinterpret na sya ng ibang tao. 

Napaka swerte ko. Dahil hanggang ngayon kasama ko pa din ang tatay ko. Samantalang yung iba dyan, di man lang lumaking may tatay, di man lang nila naramdaman na mahalin ng isang ama. Haist. Yung iba din naman andyan nga yung mga tatay nila kaso di naman nila pinapahalagahan. Bakit kaya ganun nuh tapos kung kelan wala na tsaka nila hahanapin, tsaka sila mgsasabng i love you, bakit ganun, bakit ganyan.


Isa lang naman point na gusto kong sabihin dito eh, mahalin natin ang mag magulang natin habang andyan pa sila. Hindi sapat yung sasabihin mong "i love you " lang dapat sinasamahan mo ng gawa. Kase kapag wala na sila tsaka mo lang marerealized yung word na " SANA".

Happy Father's Day sa lahat ng Daddy!

My First Blogger Post [Testing]

Kanina ko pa sinusubukan ayusin ang first blog ko sa blogger. Kanina pa ko nagbabasa ng iba't-ibang blogpost. Nabasa ko na ata ang iba't-ibang storya ng buhay. Kanina ko pa tinitingnan si Yeng Constantino sa tumbler at kanina pa ko pabalik balik kay bianca gonzales sa iamsuperbianca. 


Ewan ko ba, hindi ko rin maintindihan. Parang ang gulo kase ng blogger, nahihilo ako at hindi ko alam kung paano ayusin ng tama ang blog na to. Teka lang, sawa na din akong mag english, lagi na lang akong nosebleed pag sa wordpress ako nag popost, eh kase sa palagay ko lang so wordpress mga sosyalera at inglesera mga andun, dito, ewan I just can be me I guess. 


So ano ba ang ineexpect nyong ishare ko sa inyo? Hindi po ako artista, lalong hindi din ako mukhang artista. Hindi din ako sikat, hindi ako kilala, hindi din ako mayaman para makapag post ng mga pictures na kinuhanan sa kung saan saan, at hindi ko din magagawang magpost ng masasrap na handaan. Sabi ko nga lagi sa mga kaibigan ko, "sagot ko na ang kwentuhan".


Ipapakilala ko muna ang sarili ko, pasensya na medyo makulit, pano ba.? Sige tawagin mo na lang akong anne, oo basta ann ang pangalan ko, "anne the dreamer" kase mahilig akong magkwento ng mga panaginip ko, ewan ko, sabi ng mga kaibigan ko lagi na lang akong may panaginip,sabi ko naman, "nanaginip din kayo, di nyo lang tinatandaan". hehehe  tama naman diba? Feeling ko kase lahat naman ng tao nananaginip. Gabi-gabi , ang point lang is hindi nila maalala yung mga napapanaginipan nila. 


Siguro masasabi kong ang blog na ito is my alter ego, usually kase  hindi naman ako madaldal, madalas, ako yung nakikinig. Mas magaling akong makinig eh. Siguro outlet ko na din to, sa dami kase ng naiisip ko,hindi ko na sila mapag fit sa iisang lugar... kaya kailagan ko ng diversion. 


Masayahin naman akong tao, simple lang ang gusto ko sa buhay, natatandaan ko pa nga, minsan tinanong ako ng kaibigan ko, "ano bang gusto mong phone model halimbawa meron ka?" sasabihin ko sana "Lumia", kaso naisip ko, parang di naman makatotohanan yun, so sabi ko na lang "asha 202", hehe ganun lang ako kasimpleng mangarap. Pero gusto ko lahat ng pangarap ko dahil simple na nga lang natutupad ko, yung sure ball, ika nga.. Yung  kaya kong abutin, yung alam kong hindi lang sya magiging pangarap habang buhay." Sabi pa ng mga kaibigan ko tawa lang daw ako ng tawa, eh ano pa ba naman ang aasahan mo, sa araw araw na maraming pagbabago, maraming problema, maraming pagsubok, papalit palit ng ihip ng hangin alangan namang sumimangot ka pa. Ano na lang kaya itsura mo nun?


Mahilig talaga akong magsulat ng kung anu-ano, pangarap ko kaseng maging writer, Idol ko si Bob Ong. Mga Isang taon na rin akong nagbloblog, may mga  followers din ako pero di naman ganun karami, sakto lang. Hilig ko lang talaga kaseng magsulat. Frustrated writer kase ako (pero secret lang natin yun)


Ano bang aasahan mo sa blog na to? Actually, wala! (joke lang) meron naman kung nabobored ka at gusto mong may magawa basahin mo lang toh malay mo, kahit konte may mapick up ka sakin diba, oh di natulungan pa kita. Simple lang naman ang rason ko kung bakit ko bubuksan ang blog na to, gusto ko lang marelease yung mga thoughts and ideas ng aking unconventional mind, kaya malamang sa hindi magdididsagree ka sa mga isusulat ko dito. 


Ano pa ba? Gusto ko lang din makatulong, kase alam ko marami sa atin ang may interes sa pagsulat, hindi nga lang alam kung san magsisismula. Ako din kaya. Unahan na lang tayo, hehehe... Hindi joke lang. Blog lang ng blog hanggat maubos ang mga ideas jan sa utak mo.Sulat lang ng sulat. Interes mo yan diba. panindigan mo... hehehe. 
Hindi.
Ang gusto ko lang naman sabihin eh, kung pangarap mo talagang magsulat eh umpisahan mo. Gawan mo ng paraan. Hindi yung wala ka ng gagawin dahil, wala ka din naman magagawa. Haist....




Wish ko lang sana magng successful to, wag matabunan ng panahon. Wish ko lng naman yun. Sana may magbasa at matuwa. Sana makahanap ako ng mga tao na mag pupursue pa sakin at sabihin hilang galingan ko pa. 
Yun lang naman ang masasabi ko ngayon, pero magsusulat pa ko ng isa pang post.