Saturday na naman….
Anong meron?
Daming realizations, kung anu-ano, kung sino-sino at kung
alin-alin,
Aalis na pala
yung kaibigan ko bukas, ni wala man lang akong napadala or nagawa for her. Ano
ba naman akong klaseng kaibigan?
Hehehe.. Pero for sure maiintindihan naman nya yun, positive
naman akong Oo maiintindihan nya.
These past few days dami kong narerealize ulit, minsan gusto
kong iuntog ang sarili ko lalo na kapag mga times na parang on float ako.
Go lang go with the flow. Kapag hindi ko mapanindigan ang
mga decisions ko at kapag feeling ko sobra na ako ngiisip sa mga bagay bagay.
Oo ako kase yung tipong pabago-bago ng isip. Walang
fixed na desisyon, madalas nadadala sa emosyon. Minsan gusto kong maging
manhid, yung
tipong di ko kailangan intindihin ang mga bagay
bagay, yung tipong uunahin ko din ang sarili ko, kaso mahirap. Ang hirap.
Hindi naman kase ako pinanganak na makasarili,
hanggat maari tinitimbang ko ang lahat ng situasyon, may mahihirapan ba kung
gagawin ko to, may matutuwa ba kung
mapagbibigyan ko to... ??
Anyways...
Ayun.. ganun ako magisip.
May isang tao pa lang naalala ko this week. Si First love,
hahaha tagal na nun, kaya siguro kung magkikita lang kami ng taong yun,
pagtatawanan lang namin
Kung ano yung mga pinaggagawa namin dati. First love, Puppy
love whatever you call it. Nasan na kaya sya ngayon nuh? Bigla na lang kaseng
nawala yung taong yun, last time
Kaming nagkaroon ng communication eh last January. Okie
naman eh, kaso narealized ko lang dami namin pagkakaiba.. nagmatured
na kami siguro both or sya lang. Ewan ko din..
Asan na kaya sya ngayon? Tsaka bakit ko pa sya naiisip eh
dapat naerase na sya, malay ko kung may girlfriend na ba yun or asawa. Ewan ko, Malay ko.
Hindi naman ako umaasa nuh, at wala naman na akong dapat
asahan. Dahil in the first place it was 10 years since ata. Pero bakit ganun,
he can’t be forgotten. Masaya naman ako. Masaya naman ako sa kung anong
love life meron ako ngayon, pero minsan napapaisip pa rin ako, sya kaya?
Kumusta na sya?
Haist teka, mabait lang sigurong tao yun, kaya mahirap
kalimutan, tska syempre kaibigan mo, madali mo bang makakalimutan ang kaibigan
mo. Diba kahit papano, kahit gaano katagal ang panahon, yung mga memories
ninyo, mga pinagsamahan andyan lang yan, di yan nawawala.
Speaking of kaibigan.
Remember my last post, na I felt like I have been betrayed
by a friend?
Naku, naguusap na kami ngayon, ewan ko. I just dont
want her to feel uncomfortable. Ayoko lang din siguro mawala yung friendship so
kahit na ganun ang nangyari,
I am willing to give her a second chance. Second chance.
Oo, second chance, pero this time, with a lesson learned.
Hindi naman sa hindi ko sya pinagkakatiwalaan. Ayoko na
lang na magsabi sa kanya ng kung anu man dahil
Sabi ko nga natuto na ko. Mahirap na, siguro in time,
kapag napatunayan ko ng mapag kakatiwalaan ko sya ulit baka pwede na. It takes
time I guess.
Tapos ko na pala basahin
ang Tuesdays with Morrie, Maganda ang ending, syempre namatay
yung professor, para pala sa professor nya yung book at yun pala yung final
thesis ni Mitch sa Professor nyang si Morrie. May prof ba kayong ganun? Yung
hindi mo lang Professor pero parang barkada, tatay, coach yung ganun, yung
pinaka close mo na hindi ka mahihiyang magopen up sa kanya? Ako, sa kasamaang
palad wala eh. Pero may Mentor ako nuon, na mahirap ng hagilapin ngayon, Si
Kuya Kaloy.
Ooopppps lampas na ko sa Boundaries ko, sabi ko never name
names. Hihihi. Kaso eto naman ako, Pero si Kuya Kaloy talaga, mabait syang tao,
tinuturing ko syang Ama, Kuya, Barkada, at Coach sa buhay dati. Inaadmire ko
sya kase hindi sya mahirap makitungo sa mga tao. Mr. Congeniality ‘ika
nga. Pano ko ba sya nakilala? Naging Boss ko sya sa First Job ko, hindi naman
seriosong trabaho, pero kase I have worked as a cashier sa isang water
refilling station before. Siguro mga one
year din, naku! Kapag kinuwento ko pa sa inyo haist maloloka na kayo. Pero
I’ll spare another post for that.
So ayun dun ko sya nakilala, kahit madalas, inuuto nya ko
para magwalis sa likod ng water station namin, nagpapa uto naman ako
Kase ang totoo nyan gustong gusto kong marinig ang mga moral
lesson nya sa pamilya, sa pakikipag halubilo sa mga tao, sa pagiging
kaibigigan.
Tapos ililibre nya ako ng tokneneng, uupo sa harap ng shop
at magkwekwentuhan ulit. Trabaho, Pamilya,
Pangarap. Minsan sabi nya sa akin, “Ayoko na isang araw
Kapag magkakasaluboong tayo, iiwasan mo ko, dahil
sasabihn mo sa aking, Oh ayang tao na yan, isa yan sa nakapag pasakit ng
kalooban ko”.
Tama nga naman, as much as possible sa lahat ng tao natin
nakikilala we want to leave a good impression diba? Ayaw naman natin na
magkakaroon tayo ng samaan ng loob tapos
Kapag makikita mo yung tao na yun iiwasan mo sya at sasabihan ng masamang bagay. Kaya
ayun din siguro reason kung bakit binigyan ko ng second chance
siiiiiiiiiiiiiiiiii……..
Secret….
Ahihihi… baka naman magalit pa yun
pag sinabi ko ang panagalan nya. Hayun, next topic, remember din yung moving
out drama ko? Hahaha muntikan ng magkatotoo, kung kalian napapayag ko na silang
lumipat ako at magboarding house tsaka naman biglang nagbago ang decision ko
the last minute. Naiinis tuloy ako, pero hindi rin eh, dahil Masaya ako sa
final decision ko. Hindi naman kase matutumbasan ng 500pesos na matitipid ko
yung saya na makikita ko ang pamilya ko sa araw araw na uuwi ako, at hindi ko
rin maaayos ang problema ko kung patuloy ko lang tatakbuhan ang mga problema. Kaya
mas maganda kung haharapin natin ang mga problema, though may mga times na
gusto nating mag siesta just to temporarily breathed out, siguro yun yung gusto
kong gawin pero iba yung pagkakainterpret ko, haist.
Lesson learned? Huwag gagawa ng decision
when your extremely emotional. Mahirap, you might end up with big regrets. As
much as possible dapat you keep a cool mind kapag may mga stressful situations.
Tapos sa last minute ka magdecide para sure shot na napag isipan mo nga ng
maigi ang decisions mo. Hindi naman kita binebrain wash at lam ko din na If you
were on my shoes you’ll do the same, sa akin lang naman ay paalala.
Reminder, Paalala
Malapit ng matapos to’ heheheeh pano
ba naman kase sinusulit ko na kase isang Linggo din akong hindi nakapag post dito
at isang Linggo ulit akong hindi makakapag post kaya ayun.
Nagtitipid na din ako, You won’t
believe it. Six months na akong nagwowork pero wala akong naiipon, ni hindi ko
nga lam kung san ko dinadala yung mga pera ko, pero keri lang, eh kase naman
dahil sa work ko nabayadan ko ang graduation fee ko at napagawa ko yung laptop
ko, ano kayang next project ko? Wala naman sa ngayon, pero aiming ako na
sana by end of December magka
business ako. Kahit simple business lang, iisipin ko pa, kaya dapat magipon
talaga ako. Yun ang aim ko lang talaga sa ngayon. Ayun na nga, You wont
believed it, pero ang ginawa ko binukod bukod ko na sa different wallets yung
mga expenses ko for the whole week. Hehehe Like at this wallet, para yan sa
fare ko, the other one sa food expense ko and the other one, yun yung mga extra
extra ko lang, lets see if this will work, Pinahiram ko din muna yung budget ko
for the next next week syempre para sure na na hindi ko magastos, mahirap na. hihihi
So ayun baka kase need mo din ng tips kung
paano makaipon, Ill let you know if it will work out. Hahaha pero so far, yes
it works for me.
Hmmm.. ayan na muna for now. Next week
again.